Pinitch na programa ni Matteo sa GMA, ‘nabaril’

Matteo Guidicelli.

Nawindang diumano ang mga taga-GMA 7 sa laki ng budget sa ipinitch na programa ni Matteo Guidicelli. Kaya naman hindi na raw ito nakarating sa top management dahil sa laki ng budget.

Maganda naman daw sana ang concept peroyun nga hindi kakayanin ng budget.

Kasama ito sa mga blind item kahapon sa Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon nina Manay Lolit Solis and Mr. Fu na napapanood sa YouTube channel at Facebook page ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

‘Di kaya kasama sa nasabing package ang talent fee ng misis niyang si Sarah Geronimo kaya ganun?

Anyway, kalat na pala ang balitang tsutsugiin na ang Mars ng GMA.

Isang variety show naman diumano ang ipapalit sa programa nina Camille Prats, Iya Villania and Kuya Kim na ang magiging host ay sina Pokwang and Rabiya Mateo.

Advertising
Scroll to continue

Yes, tsutsugiin na nga raw ang programa Mars na almost 10 years na raw sa ere.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode 144 ng TITimg, maki-team replay na.

Show comments