Bimby, pinabalik mula sa Amerika

Josh at Bimby.

Ilang weeks na palang nasa Los Angeles, California ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby.

May ilang friends ako na nakakita sa kanila sa LA at kasama raw nila ang make-up artist ni Kris na si Jonathan Velasco.

Walang masyadong nagpo-post sa pakiki­pag-bonding nila sa magkapatid, kaya hindi ako sure kung secret lang ba na nandun ang dalawa o marahil mas gusto ni Kris na mas makapag-enjoy ang dalawang anak kaya hindi na ipino-post ‘yon.

Ang tsika lang sa akin ng isang nakausap ko, after a while raw ay umuwi muna ng ‘Pinas si Bimby at naiwan sa LA si Josh.

Hindi lang sure ang source ko kung bumalik ba uli si Bimby sa LA.

Eh, ‘yung mga nakakasama naman mismo ng magkapatid sa LA, quiet at ayaw magkomento, so, pabayaan na lang natin na maging ‘private’ sa lugar na ‘yon ang magkapatid (kung sakaling bumalik nga uli sa LA si Bimby after na pauwiin daw muna siya ni Kris).

Advertising
Scroll to continue

Anyway, maraming mga nagmamahal kay Kris sa LA (na mga naging kaibigan niya) ang nagsasabing they’re praying na gumaling na ang tinaguriang Queen of All Media.

May mga nananalangin din na maging mabuti na ang kalagayan ni Kris para kayanin niyang bumiyahe pa-Amerika dahil balitang magpapagamot nga raw roon ang nanay nina Josh at Bimby.

Ako, Ateng Salve, always praying for Kris na maging mabuti na ang kalagayan niya dahil kahit may mga nagsasabing may mga pagkakataon na nagmamaldita siya, sa totoo lang, once na gusto ka niya ay napakabait niya.

Noong Presidente pa nga ang nanay ni Kris, ang yumaong si president Cory Aquino, nagkaroon din ako ng chance na maging malapit sa actress-TV host.

That time, hindi ko makalimutan ang dialogue sa akin ni Kris, “You know what, I like you na, you’re sweet naman. The first time kasi we met, you made simangot to me.”

May mga pagkakataon din na may mga regalo sa akin si Kris that time na may kasamang note na nakasulat sa maliit na post it paper na talaga namang hanggang ngayon ay nakatabi sa akin.

At noong nagkasama sila ni Ruffa Gutierrez sa pagho-host ng The Buzz sa ABS-CBN at nakikita ako ni Kris, bigla siyang magda-dialogue ng, “When are you leaving again?” na ang sagot ko naman ay, “I don’t know yet,” tapos sasabihin niya, “Come to my dressing room, I’ll give you pabaon na para kapag bigla kang umalis na naman.”

In fairness to Kris, may mga ganoong moment talaga na talagang ang sweet and generous niya!

So, ngayon nga na mismong siya ang nagsasabing life threatening ang kanyang sakit, sana ‘yung readers ng PSN na nagbabasa ng column item na ito will pray for her.

Bolera, naging pamilya sa lock-in

Noong Friday ay nakasabay ko sa SuperSam restaurant sa Scout Tobias, Quezon City sina Kylie Padilla at Jak Roberto at ibang mga kasama nila.

Nakapuwesto sila kung saan kayo nagte-Take It! Take It! Me Ganon?!, Ateng Salve at nasa loob naman ako, kaya hindi na ako lumapit sa kanila.

During the Zoom presscon of Bolera, ang bagong primetime series ng GMA 7 kung saan bida si Kylie at isa naman sa leading men niya si Jak, tinanong namin kung bakit sila magkasama sa SuperSam?

Sabi ni Jak, after daw ‘yon ng taping nila for Family Feud at kasama nila si Joey Marquez at iba pa.

Naisipan daw nila na sa lugar na ‘yon kumain dahil sabi nga ni Jak, “Tito Jun, kayo po ang nag-introduce ng lugar na ‘yon sa akin nang pumunta po kami sa birthday party n’yo.”

Magkasama nga kasi sina Jak at Barbie Forteza na um-attend sa birthday party namin sa SuperSam noong May 3 at nagustuhan pala nila roon.

Anyway, tama ang sabi ni Jak na parang pamilya na sila sa cast ng Bolera dahil magkakasundo nga silang lahat hanggang ngayon na tapos na ang lock-in taping nila.

Sa May 30 na nga pala ang pilot telecast sa Bolera after First Lady.

‘Yun na!

Show comments