Kylie, binabantayan kung makaka-shoot sa rating!

Kylie Padilla.

Makaya kaya ni Kylie Padilla na lumaban at mai-maintain ang magandang ratings ng GMA Network? Actually noon ay sinasabing si Kylie ang lalabas na next big star kasunod ni Marian Rivera.

Pero ang tuluy-tuloy sana na pagsikat ni Kylie ay nabansot nang mabuntis siya sa kalagitnaan pa naman ng ginagawa nilang serye noon, at dahil doon napansin ang popularidad ni Sanya Lopez.

May mga nagsasabi namang siguradong hindi madedehado si Kylie dahil ang kanilang network lamang ang malakas na istasyon sa free TV, sarado naman ang ABS-CBN, at maging ang mga tagaroon mukhang tanggap nang hindi sila mabilisang makakakuha ng franchise. Baka abutin ng ilang taon pa kung sakaling makakuha man sila ng bagong franchise, Dahil diyan tiyak ang panalo sa ratings ni Kylie dahil ang kalaban niya, nasa internet lang at sa mas medyo mahinang istasyon na limitado pa ang provincial relay.

Pero siyempre, hindi mawawala ang comparison sa pagitan ng kanyang serye at ng iba pang tumatakbong serye sa kanila mismong istasyon.

Siguro nga medyo maiiba na ang following ni Kylie ngayon na nanay na siya. Tiyak nabawasan na kahit papaano ang mga lalaki niyang fans. Hindi na siya sweetheart material.

Pero kung makapagpapakita naman siya ng mahusay na acting, baka makabawi siya sa Bolera.

Advertising
Scroll to continue

Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa kanya.

Liza, na-fake news sa paglipat kay James

Hindi totoo ang mga tsismis ng mga marites na may nangyayari na kina Liza Soberano at James Reid.

Nagulat kasi ang ilan nang makitang magkasama sa isang picture sa US sina Liza at James, samantalang alam naman ng mga tao na ang boyfriend niyang si Enrique Gil ay nasa Spain.

Isang insider ang nagsabi na dapat talaga kasama si Liza sa pamilya ni Enrique na nagbakasyon sa Spain, pero gusto pa niyang bumoto noong nakaraang eleksiyon dahil may ikinampanya siya. Nagtungo naman daw siya sa US dahil may inaasikaso siya, na mukha ngang isang project.

Doon naman nagsimula ang mga haka-haka na baka lumipat na nga siya sa management ng grupo ni James Reid lalo na nga at nag-attend sila ng isang event doon din sa Amerika, marahil ang kumpanya ang naging go between niya sa US, pero hindi raw aalis si Liza sa kanyang manager.

Isipin naman ninyo, buong pandemya walang nagawa si Liza dahil nawala rin ang franchise ng ABS-CBN, at bago iyon matagal na gamutan din ang dinaanan niya dahil sa nangyari sa kanyang daliri.

Sana nga ay maging aktibo na uli si Liza.

Female star, mabilis magpalit ng emosyon

Pinagkukuwentuhan nila ang isang female star, na hindi lamang daw panay ang ngiti habang nakikipag-selfie sa ibang mga bisita, kundi naririnig pang humalakhak sa mga biruan, pero pagharap sa kabaong ni Susan Roces, biglang bumunghalit ng iyak.

Totoo naman, mahusay siyang artista at napa­kabilis na gumawa ng iyak sa mga eksena niyang drama kaya hindi na dapat pagtakhan ang nakita nilang iyon.

At least nagawa niya sa harap ng isang live audience, hindi sa pelikula lang at telebisyon.

Show comments