Nitso nina FPJ at Susan, magtatabi

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilibing bukas, Miyerkules, si Susan Roces sa North Ce­metery. Ayon ito sa pahayag ng anak niyang si Senator Grace Poe sa interview sa kanya sa ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday na matatag na matatag kahit nagdadalamhati.

 Kahapon naman, nagpasa ng isang resolution ng pakikiramay ang Senado para sa namayapang Movie Queen.

Inalala rin ng ilang senador ang kontribusyon ng aktres sa movie industry.

Sa paglagak ng labi ni Tita Susan, pagtatabihin sila ng nitso ng asawang si Fernando Poe, Jr.

“Inihanda niya kami bago siya pumanaw,” bahagi ng pahayag ni Senador Grace.

Ibinilin kay Senador Grace ang mga gamit, mga apo at ang bahay nila sa Baguio.

Advertising
Scroll to continue

Paalam, Manang Inday…

DongYan, magkasama na sa endorsement ng Beautederm

Nakaka-excite naman ang pagsasama ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Beutederm Home ni Rhea Tan.

Of course, unang kinuha ng Beautederm si Yan para sa home products nito. Eh tila nagustuhan ni Rhea ang pagsasama ng mag-asawa sa Jose and Maria’s Bonggang Villa lalo na’t swak na swak ang bago nilang sitcom  sa ieendorso nila sa Beautederm.

Eh palung-palo rin sa ratings ang sitcom kaya siguradong panalo rin ang produktong pambahay ng Beautederm!

Show comments