OA ang talent fee... aktor na singer din, binasura ng GMA ang pini-pitch na programa

Napapag-usapan na rin lang ang isang matagal nang show sa GMA 7 na sisibakin na, nagkakasunud-sunod na ang nakakarating sa amin na kuwento kung ano ang programang ipapalit.

Isang variety/game show daw na ang maghu-host at ang dalawang kilalang babaeng magkaiba ang ganda.

Ang isa ay may korona sa pagandahan, at ang isa naman ay may korona sa katatawanan.

Hindi lang kinumpirma sa amin kung kasali pa rin doon ang isa sa mga host ng masisibak na programa.       

Nakakagulat lang dahil maganda naman ang feedback ng show, at okay naman ang ratings.

Mukhang exciting ang show na ipapalit dahil na-inspire din siguro sa success ng Family Feud ni Dingdong Dantes na lalong tumataas ang rating at nasorpresa pa nga si Dingdong ng pagbati mula mismo kay Steve Harvey na host naman ng Family Feud sa Amerika.

Advertising
Scroll to continue

Ang latest na nabalitaan namin, in-announce na raw sa mga taga-Family Feud na magkakaroon ng second season, at mukhang magtatagal pa ito.

May isa pang pinaghahandaan ang Kapuso network na malaking drama series na hango sa libro ni Gat Jose Rizal.         

Ang dinig ko, isa sa mga bida rito ay ang maga­ling na Kapuso actor na itinuturing na hari sa drama.

Samantala, napapag-usapan din ang tsismis na paglipat ni Vice Ganda sa Kapuso network.

Ang basehan lang ng tsismis na ito ay nakita raw siyang ka-meeting si direk Bobot Mortiz.

Pero tinitiyak ng ilang nakakatsikahan ko sa GMA 7 na malabo raw iyun. Baka iba naman daw ang pinagmitingan nina Vice Ganda at direk Bobot.

Ang sure daw sila ay merong isang dating Kapamilya na inaayos na ang paglipat, pero hindi si Vice Ganda. Pero influential din ang taong ito.

May isa pa palang nasagap din naming nag-pitch daw ng isang show ang kilala ring actor na magaling kumanta.

Nakilala rin siya bilang Kapamil­ya, pero matagal na rin siyang walang show sa naturang network.

May maganda raw siyang concept ng isang show, at pinag-aralan daw ito ng bosses sa GMA 7. Pero nang nalaman daw ang sinisingil na talent fee, kaagad na ibinasura na ito.

Nakakaloka raw ang taas na tiyak na hindi papasa sa mga bossing.

Kokoy, matagal mawawala

Ang dami pa rin supporters ang tambalang EliKoy o CaiReel nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ng Gameboys.

Nagsimula na ang Gameboys 2 nung nakaraang Linggo, May 22, sa Vivamax Plus at KTX.Ph.

Nagkaroon sila ng live streaming na pinamagatan nilang Hanggang sa Huli…Hanggang Sa Muli nung Linggo ng hapon kasama ang fans at ilang miyembro ng movie press.

Bale celebration ito ng second anniversary ng naturang BL series. Kaya tinawag nilang Second World Gameboys day. 

Para sa amin nga, itong Gameboys ang isa sa magandang dala ng pandemya.

Matagal nang natapos ang season 2 ng sikat na BL series, pero ngayon lang maipapalabas, dahil tiniyak lang daw talaga ng Ideafirst na mapaganda ito.

Sabi ni Elijah bale expanded version daw ito ng Gameboys the Movie.

Pagkatapos ng season 2, may kasunod pa kayang kuwento ang pagmamahalan nina Gavreel and Cairo? 

Kaya tinanong namin ang dalawang bida, kung pinaghahandaan na rin ba nila ang magiging en­ding ng kanilang kuwento?

“Hindi ko pa alam kung ano ang magiging ending ng kuwento nina Gavreel and Cairo, nasa season 2 pa tayo, meron pang eventual stories na lalabas ng the whole Gameboys family.

“Ako feeling ko, deserved ng lahat ng happy ending,” sabi ni Elijah.

“Parang mas gusto ko namang happy lang, walang ending,” singit naman ni Kokoy.

Makahulugan ang mensahe ni Elijah kay Kokoy na mami-miss daw niya ito. Matagal daw silang hindi magkikita. Si Kokoy nga kaya ang isa sa kasali na magsu-shoot sa South Korea nang medyo matagal?

 

Show comments