Coco shocked pa rin, malakas na malakas nang huling makita si Susan Roces

Coco Martin.

Apaw ang mga nakikiramay sa namayapang Reyna ng Pelikulang Tagalog sa Heritage Park, si Susan Roces.

Pati ang mga bulaklak sobrang dami raw talaga.

Kagabi ay kasama si Sharon Cuneta sa nagbigay ng special tribute – isa sa mga naging malapit sa mag-asawang Fernando Poe Jr. and Susan Roces.

Ayon naman kay Coco Martin, shocked pa siya hanggang ngayon dahil malakas na malakas pa ang legendary actress nang huling makausap niya.

Akala raw niya ay ang pagkamatay na ni Eddie Garcia ang pinakamasakit na nangyari sa kanila.

Pero grabe raw ang pagkagulat niya sa nangyari.

Advertising
Scroll to continue

Inamin din ni Coco na takot na takot siya kay Lola Flora (Susan sa Ang Probinsyano) bilang apo niya lalo na ‘pag nagtatampo ito sa kanya.

Dumating din kagabi sa special tribute ng ABS-CBN and her Ang Probinsyano family si former president Joseph Estrada.

Samantala, nagpahayag din ng pakikiramay si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces

“Ang aming taus-pusong pakikiramay sa pamilya ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

“Gaya ng kanyang kabiyak na si Fernando Poe Ju­nior na binigyang-pugay sa pamamagitan ng pagpangalan ng isang kalsada sa ating lungsod, hindi matatawaran ang kontribusyon ni Ginang Roces sa showbiz.”

Namatay sa cardio-pulmonary arrest ang Queen of Philippine Movies ayon kay Senator Grace Poe noong Biyernes ng gabi.

Naka-live sa Facebook page ni Sen. Grace ang mga nagaganap sa wake ni Ms. Susan na kilala ring Mommy Swanie kaya’t updated ang lahat.

 

Show comments