Susan, equal ang naging respeto sa mga baguhan at datihan sa showbiz

Susan Roces.

Isa na namang haligi ng showbiz ang nawala.

Si Susan Roces na iniidolo natin ng ating kabataan kasabay ni Amalia Fuentes, wala na rin ngayon.

Napakabait na tao ni Manang Inday, siya talaga ang example ng isang sweet na artista na igagalang at mamahalin mo.

Baguhan ka o datihang showbiz writer, pareho lang ang binibigay niyang respeto kaya mahal na mahal siya ng mga ito. Kahit saan mo siya makita, babatiin ka niya, at napakalalim ng mga alam niya sa buhay. Lahat ng taga-showbiz may paggalang sa kanya, may pagmamahal. Kaya naman lahat ay nalungkot sa pagkawala niya.

Tulad ng asawang si Fernando Poe Jr. shocked din ang lahat ng mabalita sa bigla niyang pagkamatay.

Siguro nga ganun nawawala ang mga icon, biglaan, para lesser ang sakit na nadarama.

Advertising
Scroll to continue

Rest in peace, Manang Inday, the name Susan Roces will forever be with us, dahil good memories ang iniwan mo sa amin.

Alden, ‘di nagpatalbog

Usap-usapan pa rin ‘yung pagrampa ni Alden Ri­chards sa NYC.

Hanggang ngayon pinag-uusapan pa ang relos at outfit na ginamit ni Alden sa New York.

Siyempre ayaw patalbog sa red carpet kaya nag-invest si Alden at bigay todo ang outfit at bongga sa mahal ang watch na gamit.

Iyan ang artista, gastahan mo ang panggulat mo sa pupuntahan mo. ‘Yung pag-uusapan ka dahil hindi nila akalain na ma-afford mo ‘yung mga ginamit mo.

The experience alone nagpaligaya na kay Alden, kaya worth it ang paggasta niya at pagpunta sa New York para lang sa premiere night ng isang movie.

Who knows, baka dahil nandu’n siya, at bongga ang outfit niya, mapansin siya ng isang agent at kunin for a Hollywood movie o serye. Why not na parang open ngayon ang market sa Asians.

Show comments