^

PSN Showbiz

Regine, Moira, Chito, at Gary, hurado ng Idol Philippines Season 2

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Regine, Moira, Chito, at Gary, hurado ng Idol Philippines Season 2
Regine, Gary at Moira
SATR/ File

Nagbabalik ang pinakamalaking singing competition na Idol Philippines sa ikalawang season nito kasama ang minahal na Idol judges na sina Asia’s Songbird Regine Velsquez-Alcasid at Philippines’ Most Streamed Female artist na si Moira dela Torre. Makakasama ng dalawa sa bagong season ang Frontmant ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Zsa Zsa at Darren, may birthday pasabog sa ASAP

Bumuhos man ang ulan pero tuluy-tuloy ang party tampok ang all-star concert experience mula sa paboritong Kapamilya idols ngayong Linggo (Mayo 22) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang inaabangang pagbabalik ng isa sa naglalakihang singing reality search sa bansa, magpapasiklab muna sa ASAP stage ang tatlo sa bagong hurado ng Idol Philippines na sina Gary Valenciano, Moira dela Torre, at Regine Velasquez kasama sina Anji Salvacion, Shanaia Gomez, Fana, Miguel Ordon, Gello Marquez, iDolls, at ang American Idol Season 18 Top 5 contender Francisco Martin na may kasabay na surprise announcement ngayong Linggo.

Tuluy-tuloy ang kantahan sa Idol biritan ng New Gen Birit singers na sina JM Yosures, Reiven Umali, Sam Mangubat, Lara Maigue, at Sheena Belarmino; at sa new single launch ng nag-iisang Concert King Martin Nievera.

Paiinitin naman nina Enchong Dee, Kyle Echarri, AC Bonifacio, at Chie Filomeno ang ASAP stage ngayong maulang panahon sa kanilang retro hatawan. Kiligin naman sa duet nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

At maki-celebrate sa bonggang pa-birthday blowout ng dalawa sa paborito ninyong ASAP stars, tampok ang todo-todong performance ni Darren kasama ang Legit Status dance crew, a

t ang bigating Divine Diva birthday medley ni Zsa Zsa Padilla kasama sina Martin, Regine, Klarisse de Guzman, at Karylle sa The Greatest Showdown.

IDOL PH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with