^

PSN Showbiz

Kris, hirap na sa kanyang sakit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, hirap na sa kanyang sakit!
Kris
STAR/ File

Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na kaya na niyang alagaan ang kapatid na si Joshua.

‘Yung mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi-feel niya kung minsan ‘yung hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.

I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya ‘yung pain na nadarama niya. Nakakalungkot na negative pa ‘yung iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdaraanan nito sa health niya.

Kitang-kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang sakit at pinipilit ang katawan para hindi masyadong mag-alala ang mga tao sa paligid niya.

Maging kind tayo kay Kris, single mother ng dalawang anak na mga hindi pa puwedeng mamuhay nang wala ang guidance ng kanilang ina.

Maging malambot ang puso natin sa kanyang journey sa buhay, gabayan natin para hindi maging mahirap ang lahat para sa pamilya niya. Hindi niya kailangan ang bashing, o anumang pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan.

She is worth loving, dahil isa si Kris sa totoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her.

Joey, proud sa edad

Kaloka si Joey de Leon. Talagang energetic at very sharp pa rin kaya naman proud niya na ipagmalaki ang edad niya na matanda lang daw siya sa akin sa buwan, hah hah hah.

At tanggap niya naman na tulad ko mababaw na ang tulog sa mga ganitong edad.

Alam n’yo ba na napaka-domesticated ni Joey de Leon at maligaya na silang dalawa ng asawang si Eileen na laging nasa loob lang ng bahay at travel abroad lang ang bale ang kanilang pinaka-activity.

Talagang hindi puwedeng hindi mag-travel si Joey dahil iyon ang pinaka-breathing space niya sa trabaho.

Pero nagka-pandemic kaya hindi sila makabiyahe. Isang magandang example ng isang busy man na marunong mag-manage ng time niya si Joey. Alam niya when to take a breather, at kelan isusubsob ang ulo sa trabaho. Joey de Leon is the man, man of many talents, and a good heart.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with