^

PSN Showbiz

LT, FPJ baby!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
LT, FPJ baby!
FPJ, Susan at Lorna
STAR/ File

Dinamdam ng buong taga-Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin ang pagpanaw ni Susan Roces.

Nakaka-text ko si Lorna Tolentino na nasa set na ng naturang teleserye, at isa rin siya sa nabigla at apektado sa malungkot na balita.

“Na-flashback ako nung bata pa ako. FPJ baby ako. Sila ang nag-discover sa akin.

“Proud ako na naging young Tita Susan sa Divina Gracia,” bahagi ng text ni Lorna sa akin.

Lahat daw sila sa set ay malungkot, kahit napakaaga nilang nagsimulang mag-taping. “Sad lahat dito. Artists, staff at crew (cry emoji) nakatulala. Umuulan pa. Waiting kami mag-stop ang ulan,” dagdag niyang text.

Baka maaga raw silang ma-pack-up nung ka-text ko siya kahapon, dahil nagpa-schedule na raw sila ng mass kinagabihan na gagawin sa tinutuluyan nilang villa doon sa Ilocos Sur.

Pero habang naghihintay daw sila sa pagtila ng ulan para i-resume ang taping, nagdarasal daw sila para kay Ma’am Susan.

Ang latest na nasagap ko sa mga taga-Ang Probinsyano ay luluwas silang lahat pa-Maynila ngayong araw para dumalo sa misang gaganapin sa Heritage Memorial Park, na kung saan doon ibuburol ang mga labi ng Queen of RP Movies.

Samantala, malaki rin ang naging bahagi ni Susan Roces sa radio station na DZRH kung saan ay isa siya sa mga nagda-drama noon kasama sina Chichay, Dolphy, Tolindoy at pati ang character actress na si Luz Fernandez.

Gladys, nagpaka-stage mother

Sobrang excited si Gladys Reyes sa bagong endorsement niya, itong Protect Plus Isopropyl at Ethly Alcohol dahil buong pamilya niya ang kasali rito.

Thankful siya dahil sobrang napuri ang magandang samahan nina Gladys at Christopher Roxas, at ang gaganda pa ng mga anak nilang sina Christophe, Aquisha, Grant at Gavin.

Inilunsad sila bilang endor­sers ng bagong produktong ito na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas nung nakaraang Biyernes.

Isa sa ikina-proud nang husto ni Gladys ay ang panganay niyang anak na si Christophe, 16 years old na nakahiligan ang pagkanta.

Ikinuwento niya sa amin ang first performance ni Christophe sa malaking crowd, sa Summer Blast ng INC na ginanap sa Philippine Sports Stadium kamakailan lang. “Nag-perform siya sa 50k crowd sa Phil. Sports Stadium last time. Napakanta niya buong stadium at parang wala siyang kakaba-kaba, pero actually first time niya yun.

“Kasama niya nag-perform dun sina Gloc 9, Itchyworms, etc. Napapasama siya sa mga beterano. Siya, solo performer with guitar.”

Kaya nang napag-usapan uli namin ito sa launching ng Protect Plus, natatawa na lang siya nang biniro naming lumalabas na talaga ang pagka-stage mother niya. “Kung ang definition ng stage mother ay nandun para sumuporta at nandun ka lagi sa likod ng anak eh di sige. Nandun ako, pero backstage mother ako,” pakli ni Gladys.

“Pero nakakatuwa, innate kasi sa kanya. Daig nya kami actually…ang music niya, naggigitara.

“Kusang lumabas sa kanya, e. Even ‘yung banter niya with the crowd, parang ang hirap kung aaralin pa lang e. Pero sa kanya, nagulat kami, innate sa kanya. Ewan ko, siguro nagmana niya sa akin ng kapal ng mukha. Kasi, mahiyain si Christopher.

“Nakuha niya kay Christopher ang music, ang type of music, old soul si Christophe, e. Pero he knows mga kanta ngayon,” dagdag niyang pahayag.

Beatles, Queen at iba pang mga rock bands ang music na gusto ni Christophe. Pero hindi pa naman daw siya ganun kaseryoso na pasukin ang showbiz, dahil priority pa rin niya ang pag-aaral.

At diyan proud na proud si Gladys, dahil lagi raw itong first honor at president pa raw ito sa kanilang student council.

Grade 11 pa lang ang anak na nag-aaral sa Bannister Academy sa Eastwood, Quezon City.

Sabi ni Christophe nang nakatsikahan din namin : “Actually to be honest, ngayon tinitingnan ko pa if it’s really my thing. So as of now, focus ko po talaga is finish studying muna. Tapos ‘yun nga, on the side, kaya naman.

“So as for seriousness, hindi naman super serious yet. Pero pwede naman in the future to pursue talaga.”

Bilang ama ay talagang nakatutok din si Christopher Roxas.

Siya ang nagbigay ng ideya kay Christophe na subukang mag-aral ng pagtugtog ng gitara. “Kahit ako, ‘pag kinakausap ko ang mga anak ko, sinasabi ko sa kanila na, ‘May kalayaan kayong gawin ‘yung gusto ‘nyo.’

“We’re just here to guide them. Pero dapat nandun lang sa batas ng Diyos at batas ng tao. ‘Yun lang po, ‘yun lang ang susundan nila,” saad ni Christopher.

May binubuo na ring isang sitcom ang Net 25 na pagbibidahan ng mag-asawang Christopher at Gladys.

Kasama nila rito si Christophe at ang nag-iisang anak nilang babaeng si Aquisha.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with