^

PSN Showbiz

Vice nag-trending, nagpaulan ng datung sa staff and crew

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Vice nag-trending, nagpaulan ng datung sa staff and crew
Vice Ganda.

Maganda ang gising ni Vice Ganda kahapon kaya naman nag-share siya ng blessings sa lahat ng staff, including the crew, ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Trending nga kahapon ang It’s Showtime dahil sa pagpapaka-generous ng ‘misis’ ni Ion Perez.

Actually, super grateful daw kasi si Vice sa lahat ng mga blessing na dumarating sa kanya kaya naisipan niyang mag-share ng tig-P5,000 sa bawat staff and crew ng kanilang programa.

Eh, more than 150 pala lahat ng mga bibigyan ni Vice, kaya aabutin daw ang TV host-comedian ng P800,000, huh!

Bongga ang pagiging gene­rous ni Vice at tunay na kahanga-hanga ang Unkabogable star, ‘noh?!

Ikaw, Ateng Salve, when ka magse-share ng blessings mo? Hahaha.

‘Yun na!

Direk Darryl, gagawan ng pelikula ang pamilya Marcos

Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil nag-announce na si Direk Darryl Yap sa kanyang social media accounts na ang next project na ipi-pitch niya sa Viva Films next week ay Maid in Malacañang na tungkol sa last 72 hours of the Marcoses sa palasyo noong 1986.

Nakakaloka nga si Direk Darryl dahil talagang sinabi niya sa kanyang post na, “Para sa ikaka-comatose nyo’ng lahat,” ang project niyang ‘yon.

Ka-chat ko si Direk Darryl sa pamamagitan ng Facebook Messenger after niyang i-post ang tungkol sa new project pitch niya sa film outfit ni Boss Vic del Rosario.

Naikuwento sa akin ng controversial director kung sino ang gusto niyang gumanap na Madame Imelda Romualdez-Marcos at ang bongga ng aktres na ikina-casting niya, huh!

Sabi nga ni Direk Darryl, may mga artista siyang gustong kunin na pinu-push daw talaga niya sa Viva.

I’m sure, hindi tatanggi ang pamilya Marcos sa proyektong ‘yon ni Direk Darryl, na tatakbo sa kuwento ng isang ‘reliable source’ inside the Palace noong nagaganap ang EDSA People Power Revolution.

May mga basher man si Direk Darryl na kontra sa proyektong ‘yon at nagsasabing hindi kikita ‘yon, iba naman ang palagay ng mga naniniwala rito – malamang daw na maging blockbuster ito at baka ‘yon nga ang magpapabalik sa mga tao sa mga sinehan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with