^

PSN Showbiz

Relos na suot ni Alden sa new york, P18 million ang halaga!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Relos na suot ni Alden sa new york, P18 million ang halaga!
Alden Richards.

Hwaw, almost P18 million pala ang worth ng suot na watch ni Alden Richards sa premiere night ng Stranger Things Season 4 sa New York.

Yes ganun kamahal ang Patek Phillipe Nautilus watch ng actor ayon sa isang online seller ng luxury brand.

Kung sabagay sa status naman ni Alden, afford naman niya talaga ang nasabing relos na nagiging status symbol ngayon ng mga celebrity.

Dior din daw from head to foot ang suot ng actor. ’Yun nga lang, puna ng ibang fashion consultant, hindi bagay kay Alden ang belted jacket na ginamit niya.

Nagmukha raw siyang maliit.

Well, hindi si Alden ang dapat sabihan, ang kanyang glam team ang namimili ng mga isusuot niya.

At least hindi na lang OOTD ng mga actress ang binabantayan ngayon, pati ang mga sinusuot ng mga actor, ginagawan na rin ng ‘resibo.’

Ang kaibahan lang nga ng mga star natin, sila personal money nila ang ginagastos. Ang mga Korean star talaga, ang mga luxury brand ang nag-i-sponsor sa kanilang isinusuot sa kanilang series.

Meron akong pinapanood na K-drama ngayon, lahat ng suot ng bidang si Lee Sung-kyung sa Shooting Stars, Chanel.

Sana ganundin ‘yung ibang star natin. Especially, female stars na gumagastos sa kanilang OOTD tapos ita-tag nila ang mga social account ng mga luxury brand samantalang sila naman ang bumili at nagpa-source sa mga online shopper.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with