^

PSN Showbiz

JV, nagpaliwanag sa nangyari sa kanila ni Jinggoy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JV, nagpaliwanag sa nangyari sa kanila ni Jinggoy
Jinggoy at JV.

Sandaling nakausap namin sa telepono ang kapuproklama lang na si Sen. Jinggoy Estrada.

Tinanong ko kung bakit siya na mismo ang lumapit sa kanyang kapatid na si Sen. JV Ejercito at yumakap.

Itinaas niya ang kamay ni Sen. JV at mukhang okay naman silang dalawa. “Ako na lumapit para i-congratulate siya,” pakli ni Sen. Jinggoy.

Wala naman daw silang pinag-usapan, gusto lang naman daw niyang batiin.

Tinanong ko na rin si Sen. Jinggoy kung imbitado ba si Sen. JV sa kanyang victory party ngayong araw. “Sa group, na-invite ko,” sagot ni Sen. Jinggoy.

Inimbita rin daw niya ang mga kasamahan niyang senador at kasama roon si Sen. JV.

Welcome raw ang kanyang kapatid kung sakaling dumalo ito.

Sa mga nakaraang interviews kay Sen. JV ay sinasabi niyang malabo silang magkaayos dahil malalim ang nangyari nung panahong kampanya.

Ewan kung ang tinutukoy sa sinabi niya ay hindi siya naisama sa partido ng Uniteam ng presumptive President Bongbong Marcos pero hindi rin siya naisama sa iba pang malalaking partido.

“Kaibigan ko si Bonget (BBM) e. ‘Yun nga ang tawagan namin e.

“Alam ko gusto niya talaga akong makasama. Pero may nangyari lang, e nagkabalyahan. Nabalya ako nang konti, na-box out, pero ‘yan ang nagsilbing inspirasyon ko na talagang nagpursige ako lalo. Talagang lahat pinuntahan ko, walang pahinga.

“Ang non-exclusion ko run ang nagsilbing driving force para talaga magpursige. Natatanggal ako sa lahat e, pero okay lang,” pahayag ni Sen. JV sa kanyang programa sa DZRH.

Ilan sa mga taong malapit kay Sen. Jinggoy ay nagsasabing mukhang magkakaayos naman ang magkakapatid.

Sana nga ay talagang okay na, dahil pareho naman nilang sinasasabing makakapagtrabaho sila sa Senado kahit sino naman ang kasama nila.

Sef at Kokoy, napapagkamalang may relasyon

Tinutukso ng mga kasamahan sa Bubble Gang ang magkaibigang Sef Cadayona at Kokoy de Santos dahil sa closeness nilang dalawa.

Baka raw may relasyon na silang dalawa, dahil naging close sila magmula nang magkasama sila sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, at hanggang dito sa bagong reformat na Bubble Gang.

Nung kinuha raw si Kokoy para maging regular sa Bubble Gang, si Sef ang isa sa tinanong tungkol sa bida ng Gameboys.

Pahayag ni Sef sa nakaraang mediacon ng Bubble Gang: “When they asked me kung kumusta si Kokoy, siyempre, thumbs up ako sa kanya.

“Sabi ko, napakasaya niyang katrabaho at napakadaling katrabaho ni Kokoy. Ang saya na pagdating niya sa Bubble nagkaroon kami ng opportunity na ipakita kung papano ‘yung tandem namin.”

Kampante na silang dalawa, at ang bilis ng pick-up dahil sa gamay na nila ang istilo ng pagpapatawa.

“Napakahusay ni Kokoy, kasi ang bilis niyang mag-absorb. And at the same time, nakikinig kami sa isa’t-isa kung papano namin mapapaganda, ‘yung sketch o ‘yung eksena sa kung ano man ‘yung gagawin namin,” dagdag na pahayag ni Sef.

“Naalala ko nung first day ko sa Bubble Day, ilang days din ‘yung galing ako sa Pepito, sabi ko, ‘Sef, kinakabahan ako. Sinabihan ako na maggi-guest ako sa Bubble Gang. Guest pa lang ako nun, ikaw na ang bahala sa akin. Basta pinapanood ko na ‘yun nung bata pa ako.

Akong bahala sa ‘yo basta chill ka lang.

“Cut to, unang araw ko sa Bubble wala siya. Anong gagawin ko?

“Buti na lang lahat ng cast ng Bubble ay maalaga at umaalalay sa mga bagong naggi-guest,” saad ni Kokoy.

May segment sina Sef at Kokoy sa Bubble Gang na mapapanood na ang reformatted episode nito simula sa May 27.

Bestfriends ang title ng segment nilang dalawa.

JINGGOY ESTRADA

JV EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with