^

PSN Showbiz

Karla, hindi makakaupo sa Kongreso

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Karla, hindi makakaupo sa Kongreso
Karla, Sunshine, Vina at Ruffa.

Alam mo, Ateng Salve, nakakaaliw lang dahil kahit pareho kaming nasa Manila House Private Club sa BGC (Bonifacio Global City) ni Ruffa Gutierrez noong Tuesday night ay hindi kami nagkita.

Actually, nauna ako sa lugar na ‘yon dahil kasama kong nag-merienda ang mag-asawang Juancho Robles at Pinky Tobiano.

Si Ruffa naman, may dinner with Karla Estrada, Sunshine Cruz at Vina Morales, may bonding ang beautiful moms. Na madalas naman nilang gawin basta pare-pareho silang available.

Eh, magkatsikahan kami ni Ruffa sa cellphone at sabi niya, “See you in one minute,” na akala ko naman ay sa entrance kami sa baba magkikita, ‘yon pala, nakaakyat na si Ruffa kaya nagkasalisi kami.

Ang nakita ko na lang sa baba ay si Sunshine. “Sabi ng driver ko nakita na niya si Ruffa na pumasok. I think nasa taas na siya,” dialogue ni Sunshine.

So, ‘yon na nga, hindi tuloy kami nagkita ni Ruffa.

Anyway, isang masayang tsikahan lang daw nilang magbabarkada ang pagkikita nilang ‘yon.

In fairness, sinubok na ng panahon ang friendship nilang apat.

Kahit nga noong time na nagkaroon ng intriga kay Ruffa at Shaina Magdayao dahil kay John Lloyd Cruz, in fairness, hindi naapektuhan ang friendship ng una at ni Vina.

That time, talagang nanalangin si Vina na hindi lumala ang intriga kay Ruffa at sa kanyang kapatid.

Nakasama rin nila sa bonding na ‘yon si Kaladkaren.

Si Karla ang tinanong ko kung bakit kasama sa bonding nilang ‘yon ang comedienne.

“Barkada ko kasi. Isinama ko,” sey ng nanay ni Daniel Padilla.

Bale selebrasyon na rin nila ‘yon dahil ang Tingog Partylist kung saan third nominee si Karla ay nakakuha na ng two seats sa Congress.

Hindi man nakakuha ng seat si Karla, still, masaya siya na ang Tingog ang pangatlo sa may pinamaraming votes sa mga Partylist noong nakaraang eleksyon.

‘Yun na!

KARLA ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with