^

PSN Showbiz

Sen. Grace at Lotlot, naalala ang nakaraan sa bagong batas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinost ni Sen. Grace Poe ang copy ng R.A 11767 Foundling Recognition and Protection Act na pinirmahan ni President Rodrigo Duterte. Sinamahan niya ang post ng baby picture niya habang karga ng amang si Fernando Poe, Jr., at nakatingin sa kanila si Ms. Susan Roces.

“BATAS NA!” ang paunang caption ni Sen. Grace at sinundan ng “Inaalay natin ang Foundling Recognition and Protection Act sa bawat batang inabandona at hanggang ngayon ay hirap mabigyan ng parehong pagtrato at pagkilala. Sa wakas, kapantay na ng sa iba ang karapatan ng mga foundling sa bansa!”

Marami ang nagpasalamat kay Sen. Grace dahil siya yata ang nagsulong ng batas na ito. Kasunod nito, ang mga request na isulong din niya ang batas ang mandatory financial support for the child/children abandoned by their parents.

Isa sa nag-comment sa post ni Sen. Grace ay si Lotlot de Leon, hindi nag-comment, nag-post lang ng three red heart emojis ang aktres.

Pareho ng istorya sina Sen. Grace at Lotlot, inampon sila nina FPJ and Ms. Susan and Nora Aunor respectively.

Kim, laglag na rin sa Bubble Gang

Wala si Kim Domingo sa mediacon ng relaunch ng Bubble Gang at hindi rin nabanggit nina Michael V. at Ms. Bangs Arespacochaga ang status niya.

Wala ang pangalan niya sa mga binanggit na naalis, kaya nagtatanong ang fans ni Kim kung mapapanood pa rin ba siya sa gag show na sa May 27, ang relaunch?

Sabi naman ni Ms. Bangs, nasa GMA pa rin ang mga naalis na regular cast ng Bubble Gang at karamihan sa kanila, may mga ibang show. Hindi sila pababayaan ng Kapuso Network.

Tsinek namin ang Instagram ni Kim at nalaman naming kasama siya sa cast ng Start-Up series nina Bea Alonzo at Alden Richards. Pinost nito ang script na nakasulat ang name ng karakter niyang si Stepanie Rios.

Sabagay, tama lang na inalis si Kim sa Bubble Gang dahil ayaw na niyang magpa-sexy, eh may sketches at segments na kailangang magpaseksi ang natoka sa segment. Umaasa lang ang fans ni Kim na mabigyan pa siya ng magagandang project. Sayang daw ang ganda nito kung mananatili siyang supporting.

Ate Vi, inaabangan kung magiging senador sa 2025

May nakita kaming list ng isang Kakampink, listahan ng mga kinu-consider niyang puwedeng kumandidatong senador sa 2025. Sabi nito, “Let us now prepare our senatorial slate for 2025” at makikitang puro taga-showbiz ang nasa listahan.

Number one sa listahan si Piolo Pascual, sumunod si Dingdong Dantes, Angel Locsin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sharon Cuneta, Ogie Diaz, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Maricel Soriano, Ely Buendia, at Vilma Santos.

Sa listahan, tila si Vilma lang ang may experience na bilang public servant, si Dingdong, nabalitang tatakbong senador for two elections na, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya ginagawa.

Si Sharon, hindi nagsalita nang tapos nang tanungin kung papasok sa pulitika, but the rest, parang walang balak magpulitika at tumakbo sa anumang posisyon. Masaya na sila na sumusuporta sa gusto nilang kandidato at makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Balikan natin ang listahan na ito sa 2025 at i-check kung sino ang pumasok sa pulitika. Sa kaso ni Congw. Vilma Santos, by that time, baka babalik na siya sa pulitika at abangan natin kung anong posisyon ang tatakbuhan.

Heart, pasabog ang pag-aming nakarelasyon ang mga naka-one night stand

Wala pa naman kaming nababasang comment na tinanong si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa inamin ni Heart Evangelista na nakarelasyon niya ang mga naka-one night stand niya.

Explosive ang inamin na ‘yun ni Heart, may mga nag-comment na being a senator-elect wife, hindi na niya dapat sinabi at inamin. Dapat daw, alagaan ni Heart ang image niya at ang image ng asawang si Chiz.

May mga bumilib sa honesty ni Heart, may kumontra naman at unnecessary raw ang kanyang pag-amin. Ano raw ba ang naisip ni Heart kung bakit niya binanggit na nakipag-one night stand siya.

Ang dating naman sa amin nang sinabing “one night stand” ni Heart ay nakipag-date lang siya and eventually, nagkaligawan at naging sila. O, baka nagkamali lang kami ng intindi.

Sa rami ng nag-react, siguradong may paliwanag dito si Heart at hintayin natin kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin na nakipag-one night stand siya?
 

GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with