^

PSN Showbiz

Beauty queens, nabitin kay Sen. Bong!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauty queens, nabitin kay Sen. Bong!
Bryan, Jolo, Rachel, Bong at Lani.

Ngayong araw makikipag-meeting si Sen. Bong Revilla sa GMA 7 para sa bagong project pagkatapos ng Book 2 ng Agimat ng Agila. Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes and Marian Rivera ang naging kapalit ng Agimat.

May pinaghahandaan ba siyang bagong project, kasi sabi, pagkatapos ng Agimat ng Agila, may Book 3 or may bago ba?

“Abangan n’yo, today, may meeting ako with the GMA. So we’ll see by tommorow pero titingnan ko nga kung Book 3 or new project, or… siguro something new muna ‘no para maiba nang konti,” chika niya sa amin kahapon pagkatapos sorpresahin nila nina Mayor Lani Mercado kasama sina Bryan and Jolo si Nay Lolit Solis sa 75th birthday episode sa digital show nila ni Mr. Fu na Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon.

Kasama rin nilang nag-surprise appearance si former MTRCB chairperson Rachel Arenas.

Fantasy pa rin ba ang gusto mo o comedy?  “Depende… comedy, pwedeng… depende sa pag-uusapan namin tomorrow.”

Sundot na tanong, nabitin daw ang beauty queens kasi nag-enjoy raw talaga sila na kasama ka? Parang spoiled yata sila sa ‘yo Sen.? Ang tinutukoy na beauty queens ay sina Rabiya Mateo, MJ Lastimosa and Michelle Dee na nakasama niya sa Agimat.

Sabay tawa :  “Wow, spoiled. Baka maintriga na naman tayo diyan. Para nating mga kapatid syempre ‘yan. In fact, nakaka-miss talaga ‘yung taping. Sabay-sabay na rin ‘yung eleksyon kaya sobrang busy lang din kaya no communication sa mga kasama natin sa cast pero one of these days magge-get together kami ng cast ng Agimat ng Agila, parang reunion na.”

Pero ang request ng fans, daily series naman sana? Nakakabitin daw ang weekly series? “Actually, ‘yun din ang ano ko… na masyadong malayo ‘yung gap nung continuation. Isang linggo ‘yung aantayin mo. Isa ‘yan sa idi-discuss ko today. Anyway kaya naman ng schedule, naka-in can naman ‘yan so masama ‘yung palagi kang naghahabol. Nagagawa nga sa foreign, why not we do it here. Importante ‘yung quality, yung trabaho.”

Pero naisip na ba niya kung sino ang gusto niyang maging leading lady if ever? “Tingnan natin… marami, eh.”

Sanay na sa mas batang partner si Sen. Bong like Sanya Lopez and Rabiya Mateo? Ano bang workdout ang ginagawa niya para makasabay sa mga bata? Hahaha. “Kailangan kasi weightlifting all the time. Eto, past four days, everyday akong workout. Lalo nung election, hindi ako nakapag-workout for two to three weeks, eh, everyday akong nagwo-workout ngayon. Pero ang pinaka-workout ko naman ‘yung nagbabato ako ng t-shirt (sa motorcade).”

Nakakatulog ka na ngayon na lahat talaga panalo kayo na parang ikaw ‘yung tumakbo? “Nagulat ka na lang parang nanaginip ka lang, eh, ‘di ba. Natulog ka, nanaginip ka, paggising mo nandiyan na panalo na sila. Hindi mo naman pinlano na ganun ang mangyayari pero lumabas na ganun. Sabi nga pagka-sinabi nga ‘pag nakaguhit sa kapalaran nila ‘yan dun talaga pupunta. Hindi naman pinlano yan, eh. Actually si Jolo, ‘yung Agimat Partylist, tapos napunta sa 1st district ng Cavite, and then si Bryan… ‘yung pamangkin ko umatras, si Bryan ang napalagay do’n. Tapos si Ram na hindi patakbo, biglang napapasok sa Board Member. Ganun, by accident, nangyari lang. Talagang magugulat ka,” pag-alala pa niya.

Nanalong congressman si Jolo at si Bryan ay para sa Agimat Partylist habang bagong panalong board member ang bunso nilang si Ram na 24 years old lang.

Si Mayor Lani ay nanalo rin sa congressional seat.

Pero aminado siyang nahirapan siya sa laban na ito.

“Nahirapan ako sa laban na ‘to pero natuwa naman ako para sa kanila dahil kung anuman ‘yung pangarap nilang makapagsilbi, magagawa nila. Alam naman nila yung mga pinagdaanan na pagsubok sa buhay ko, sabi ko lahat ‘yan alam n’yo na ‘yung gagawin n’yo, ‘di ba, let’s be, kumbaga, faithful sa ating mga kababayan at ‘wag tayo papaapekto sa mga kalaban sa pulitika. ‘Wag natin hayaan na dudurugin kayo basta’t gawin n’yo ‘yung tama.”

Nabanggit din ni Sen. Bong na plano niyang gumawa ng pelikula pero ‘di niya pa sure kung for this year’s MMFF or next year.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with