^

PSN Showbiz

Arci, may jowang chubby at chinito sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Arci, may jowang chubby at chinito sa Amerika
Arci Muñoz.

Naku, Ateng Salve, kung pakikinggan ko ang tsika ng tatlong kaibigan ko na nanood ng Romantic Saya concert nina Jaya at Rufa Mae Quinto na ginanap sa The Noypitz Bar & Grill sa Cerritos, California noong Sunday, lumalabas na kaya pala nagtagal sa Los Angeles si Arci Muñoz ay dahil may boyfriend ito sa lugar na ‘yon.

Eh, nanood daw ang boyfriend ni Arci ng concert nina Jaya at Rufa Mae, huh!

Ang name raw ng guy ay Ethan.

Sa picture na ipinadala sa akin, medyo chubby at may pagka-tsinito ‘yung sinasabing boyfriend daw ni Arci.

Naku, kapag nakita ko si Arci, itatanong ko sa kanya kung talagang boyfriend niya si Ethan, huh!

Baka naman kasi madalas lang na nakakasama noon ni Arci si Ethan at akala na ng iba ay boyfriend niya ang lalaking ‘yon?

What do you think, Ateng Salve?

Sharon, ‘di na magtatagal sa probinsyano

May mga nag-lock-in na uli para sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero nang tanungin ko ang isang ka-close ni Sharon Cuneta na dapat ay magla-lock-in na kahapon ay nabanggit nito na medyo made-delay raw ang pasok ng Megastar.

Baka two days pa raw bago mag-Ilocos Sur si Sharon.

Pero feeling ko hindi masyadong magtatagal si Sharon sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa June 17 & 18 na ang Iconic concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa Marriott Hotel Grand Ballroom.

Feeling ko rin ay last lock-in na ‘yon ng Megastar dahil kailangan na niyang tutukan ang concert nila ni Regine, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with