Nadiskubreng sakit ni Kris ‘stage 3!’

Kris
STAR/ File

Lumalaban, wala sa ICU...

Lumabas sa social media si Kris Aquino para patunayang buhay na buhay siya at lumalaban.

Wala raw siya sa ICU, nag-aagaw buhay o naghihingalo na.

“‘Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay ako — masyado kayong advanced. Para klaro ang lahat at dahil gusto n’ong patayin na ako, well, I’m not yet dead. I’m going to fight to stay alive,” aniya habang tinutulak sa wheelchair.

By this time ay nakaalis na marahil si Kris papuntang Amerika na maraming beses na hindi natuloy dahil nga sa kanyang kondisyon.

Pero ang kinumpirma niya, meron siyang tatlong autoimmune conditions at Churg Strauss Syndrome.

At ang pakiusap niya sa nasabing post, ‘wag na sanang mag-comment ng masasama alang-alang sa kanyang dalawang anak :  “pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

Advertising
Scroll to continue

“i’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.

“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA,” umpisa ng post niya.

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consul­ting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.
“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” ang buong caption ni Kris sa nasabing video.

Hindi kaila sa lahat na kahit may sakit si Kris, ayaw siyang tigilan ng mga ‘galit’ sa kanya dahil sa usapin ng pulitika.

Lahat ay nagdarasal na gumaling si Kris lalo na nga at ayon sa mayoclinic.com, hindi curable ang EGPA pero may gamot para hindi makaramdam ng simtomas ang may ganitong sakit “There’s no cure for Churg-Strauss syndrome, also known as eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA). But medications can help manage your symptoms.”

Ayon naman sa webmd.com, extremely rare ang sakit na ito ni Kris. “Churg-Strauss syndrome is an extremely rare disease that causes inflammation of your blood vessels. It can damage small and medium-sized blood vessels.”

Dasal din naming gumaling si Kris sa kanyang karamdaman at sana ay pakinggan ang pakiusap niya alang-alang kina Joshua at Bimby.

Show comments