^

PSN Showbiz

Ian, lifetime ang contract kay Ogie

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ian, lifetime ang contract kay Ogie
Ian at Ogie
STAR/ File

Binigyan ng grand welcome kahapon ng ATeam management headed by Ogie Alcasid si Ian Veneracion.

Si Ian ang bagong alaga ng management group ni Ogie at present ang iba niyang talent like Poppert Bernadas, Moira Lacambra, Aikee and Anthony Barrion sa ginanap na face-to-face press event. “And we’re so excited to work with Ian in many coming projects and other possibilities. We really look forward to doing more live performances,” umpisa ni Ogie.

Malawak ang coverage ng kanilang partnership. Pero binigyan ng freedom ni Ogie si Ian sa mga gusto niyang gawin particularly sa pelikula o teleserye kaya naman nagpapasalamat si Ian dahil alam niyang andun si Ogie para sumuporta. “This is mainly out of friendship. When I went into singing, I was so flattered because Ogie, an established sing-songwriter, was so encouraging, he really welcomed me and even produced a concert for me at Music Museum. He’s very supportive and we talk about music all the time. And golf. And it’s nice for an artist like me na may mag-manage ng aking schedules. Malaking bagay yun so I can concentrate on more creative stuff, like honing my craft,” pahayag naman ni Ian.

Samantala, katatapos lang mag-recor­ding ni Ian ng rock song na Ninuno. Natapos na rin niya ang isang series na Afterkill with Andrea Torres and Joel Torre.

Nang tanungin namin kung ilang years ang pinirmahan niyang contract with ATeam, “Lifetime daw,” sabay tawa ni Ian.

Sa KilaboTitos concert nagsimula ang kanilang partnership. Naudlot ito dahil nagkaroon na nga ng pandemic pero itinuloy nila - digitally - hanggang nagkaroon na nga sila ng iba’t ibang collab.

OGIE ALCASID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with