^

PSN Showbiz

Elijah at Miles, may relasyon

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Elijah at Miles, may relasyon
Miles
STAR/ File

May nagtanong sa akin kung may relasyon daw ba sina Elijah Canlas at Miles Ocampo?

Nagkasama ang dalawa sa isang series ng TV5 at ang sabi ay ‘nagkahulugan’ sila at ngayon nga raw ay may relasyon na.

Aminin kaya ‘yon nina Elijah at Miles?

Bagay naman silang dalawa, pero para sa mga EliKoy fan nina Elijah at Kokoy de Santos ay mas bagay ang dalawa.

Siyempre, gustung-gusto sila ng mga fan dahil sa kanilang BL (boys’ love) series na Gameboys.

Pero in real life naman, imposibleng magkarelasyon ang dalawa dahil hindi naman sila katulad nina Cairo at Gavreel na characters nila sa Gameboys.

So, siguro kung talagang may relasyon na nga sina Elijah at Miles ay dapat lang na tanggapin ‘yon ng mga EliKoy fan.

Teka! Si Kokoy kaya, sino naman ang karelasyon?

Well...

Anyway, on Sunday na mag-i-streaming ang inaabangang Gameboys 2 at ipalalabas ‘yon sa iWantTFC at VivaMaxPlus streaming apps.

KD at Alexa, kilig-kiligan

Ang umaapaw na kilig ng love team nina KD Estrada at Alexa Ilacad na bentahe ng Run to Me sa Kumu at iWantTFC original series.

Isa kami sa napakaraming nanood ng special preview ng Run to Me sa Santolan Town Plaza noong Sunday, and I’m telling you, Ateng Salve, sobra kaming kinilig sa KDLex love team.

Pero kahit sweet sila sa isa’t isa, sabi naman nina KD at Alexa, wala pa silang relasyong inililihim. At hindi naman daw sila nagmamadali.

Siyempre, aminado naman sila na they like each other, ‘noh?!

At siyempre, ang mga KDLex fan ay sobrang sinusuportahan sila kaya siguradong manonood sila ng Run to Me sa Kumu on Friday at sa iWantTFC (for Philippine subscribers) on Saturday.

In fairness, nagandahan kami sa two episodes ng Run to Me na napanood namin.

‘Yun na!

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with