^

PSN Showbiz

Angel, nangakong tutulong sa papasok na gobyerno

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tama ang ginagawa ni Angel Locsin.

Nagkampanya, nagsalita siya, sinabi niya kung ano ang saloobin niya. Nanawagan siya sa mga kasama niya na mag-recruit ng sampu bawa’t isa para matiyak ang kanilang panalo.

Noong eleksiyon, nagpadala pa siya ng pagkain bilang suporta sa volunteers ng PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Vo­ting), dahil naniniwala siyang ang mga iyon ang magbabantay sa kanilang boto at wala ngang kinikilingan.

Mas marami sa PPCRV ang kakampi pa nila dahil binubuo iyan ng mga volunteers ng simbahang Katoliko.
Ginawa ni Angel ang lahat ng kanyang magagawa at karapatan niya iyon. Noong matapos ang eleksiyon at tinambakan na ng milyong
boto ang mga ikinampanya nila, at maging ang PPCRV ay nagsabing wala silang nakitang dayaan at manipulasyon ng resulta ng eleksiyon.

Ang tanong nga kay Angel, sasama ba siya sa mga nagpipilit laban sa milyong tao? Siyempre hindi naman dapat. Nagsalita na ang mayorya, igalang na iyon, 31 milyong mahigit ang nakuhang boto ni President elect Bongbong Marcos.

Ang sinasabi ngayon ni Angel, makikipagtulu­ngan siya sa gobyerno, alang-alang sa bansa.

Iyan ang totoong may pagmamahal sa bayan. Iyan ang may utak. Pero iyong nagbubunganga pa rin hanggang ngayon, parang ang gusto lang ay mapansin kaya hindi na dapat pinapatulan.

Si Angel ay isang magandang example, na matapos ang eleksiyon tigil na ang alitan.

Iyan ang dapat pagpakitaan ng respeto. Nagsalita siya dahil karapatan niya. Nang makita niya ang desisyon ng mas nakararami,
sumunod siya. Ganoon ang demokrasya.

Ricky Belmonte, di pa napapalitan

Noong isang araw, ang usapan ay ang mga Cruz na lalaki, basta pumasok sa showbusiness, ang laging bagsak matinee idol,
dahil sa kanilang personality. Nga­yon ay panahon ni Rayver Cruz, pero sinasabi ngang ang pinaka-mabilis na naging matinee idol ay si Tirso
Cruz III, na noong 70s matapos lang ang ilang pelikula ay bida na agad.

Nagsimula si Pip bilang singer sa isang pub na ang may-ari ay ang tiyuihin nilang si Joey Cruz. Doon siya na-discover ng mga taga-showbiz na istambay doon.

Pero ang pinaka-matagal ang kasikatan talaga ay si Ricky Belmonte. Nagsimula siya noong 60s, umabot siya nang mahigit na tatlong dekada bilang matinee idol. Noong una teenager ang dating,
pero kasabay ng kanyang fans na nagkaka-edad din siyempre, sumabak siya sa matured roles at bida pa rin. May asawa na’t tatlong anak, matinee idol pa rin ang tingin ng mga tao.

Ewan kung sinong Cruz ang aabot sa inabot ng career ni Ricky Belmonte, wala pa kaming nakikita pagkatapos nina Rodjun at Rayver.

Male star, balik sa pagraket

Lumuwag na dahil kakaunti na lang ang kaso ng Covid, kaya nagbalik na naman sa kanyang ‘sideline’ ang isang male star. Ang katuwiran niya, hindi na siya bumabata at alam niya na basta matanda na siya, wala nang magkaka-interest sa kanya.
“Ayokong magaya kay (isang actor noong araw) na noong matanda na at malaos na, naka-istambay na lang sa isang coffee shop, malapit sa isang gay bar at naghihintay ng pick up,” sabi niya.

ANGEL LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with