^

PSN Showbiz

Pia, mapapasyalan lahat ng nasa bucket list ng ibang artista

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia, mapapasyalan lahat ng nasa bucket list ng ibang artista
Pia
STAR/ File

Ikakasal na....

“Soon to be ….Mrs. Jauncey …” na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Mismong ang fiancé na niyang si Jere­my Jauncey ang nag-post nito sa photo ni Pia na may perfect beach body at kuha sa Amanpulo.

Founder & CEO ng ‘Beautiful Destinations’ and ‘Beautiful Hotels’ ang magiging mister ni Pia kaya sure na mapupuntahan ni Pia ang mga nasa bucket list ng ibang celebrity.

Sa Amanpulo nagkaroon ng announcement ang engagement nila more than a week ago.

Na sila lang ata ang guest that time kasi talagang walang ibang tao sa mga social media posting nila, silang-sila lang at ang mga staff.

Bago ang announcement ng engagement, kung saan-saan na sila nagta-travel na beautiful destinations and beautiful hotels.

Na probably, wala silang gastos at andun sila as guest lang.

Maging ang mga airline ay sponsor din nila.

Kaya ang suwerte naman ni Pia.

By the way, true ba ang nag-trending kahapon na may exclusive victory party si President elect Bongbong Marcos sa Amanpulo? As in super trending ito kahapon.

Wow, bongga naman kung ganun.

Ganda dun ayon sa mga post ng mga nakaka-afford na mag-relax sa nasabing luxury resort.

Ang rate per night sa nasabing resort ay P91,665.00 to P123,093.00 a night ayon sa kanilang website. May mas mahal pa raw, depende sa accommodation. Plus airfare, food and other expenses. Good for 2 lang ang rate na ‘yun ng accommodation.

Ang recently nanggaling sa Amanpulo ay sina Billy Crawford and Coleen Garcia with their son Amari.

Pakaganda nga kasi ng nasabing luxury island kaya naman nagkaroon din ng chika na one month doon nag-stay si Madonna at gumastos ito ng almost $7 million.

Bukod kay Madonna, kabilang pa diumano sa mga international celebrity na naging bisita   sina Tom Cruise, Angelina Jolie, Beyonce, Brad Pitt at iba pa sa nasabing mala-paraisong lugar na isang pribadong isla na napapalibutan ng puting buhangin.

Samantalang sina Pia at Jeremy, kailangan lang i-promote ang lugar, solve na.

Suwerte si Pia, samantalang ‘yung ibang local celebrity parang desperate na magkaroon ng afam na kayang tuparin ang kanilang mga nasa bucket list.

PIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with