^

PSN Showbiz

KC, napuri sa pagiging mas kalmado kesa kay Kakie

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KC, napuri sa pagiging mas kalmado kesa kay Kakie
KC
STAR/ File

Si KC Concepcion ang naalala ko nang kumalat kahapon sa social media na hindi bababa sa 10 katao ang patay at tatlo pa ang sugatan matapos ang malawakang pamamaril sa isang supermarket sa Buffalo, New York.

Sinasabi sa mga report ng mga authority na ‘racially motivated hate crime’ ang naganap na pamamaril.

At ang suspect, isang 18 year old na puti na naka-live stream sa social media ang pag-atake.

Wala naman diumanong nadamay na kakabayan natin sa nasabing pamamaril.

Oo naman at nasa ibang lugar ang naganap na pag-atake sa supermarket, pero lately ay pinag-uusapan nga si KC dahil nagso-shooting siya ng pelikula sa New York.

Anyway, naka-recover na si KC sa COVID at sa latest post niya sinabi niyang “Life brings unexpected twists and turns. But wherever you are planted… bloom baby, bloom.”

Hindi raw mild ang tumamang virus kay KC.

At napupuri naman si KC dahil mas understanding daw siya at malawak ang pang-unawa unlike raw her sister Kakie na hindi pa tanggap ang resulta ng naganap na May 9 elections at sumama pa sa mga nagprotesta sa COMELEC last week.

Dedma naman si KC sa comment na ito ng kanyang follower.

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with