^

PSN Showbiz

Manny at Jinkee, tututukan ang mansion #3 sa Gensan

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Manny at Jinkee, tututukan ang mansion #3 sa Gensan
Jinkee
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, noong sumama ako sa General Santos City para sa miting de avance ni Senator Manny Pacquiao, nakita ko kung gaano sila kaasikaso ng misis niyang si Jinkee Pacquiao sa mga bumibisita sa kanilang bahay.

Si Jinkee, super entertain sa mga tao at wala siyang pinipili.

Ang ating Pambansang Kamao naman, aba, may ibang mga bisita na talaga namang sinisigurado niyang nakakain na muna bago siya kumuha ng pagkain, huh!

Kitang-kita ko nga kung gaano kalapit sa mga tao ang mag-asawa.

Si Jinkee, sosyal lang talaga ang da­ting, pero makamasa pa rin.

Si Tita Annabelle Rama nga na kasama namin sa mansion ng mga Pacquiao ay puring-puri rin ang kabaitan ng mag-asawa.

Speaking of mansion, may ipinagagawang bahay sa GenSan ang mag-asawa at mansion #3 ang tawag doon. Pangatlong bahay na kasi nila ‘yon sa lugar na ‘yon.

At least, mas matututukan na nila ‘yon.

Dapat ay noon pa raw natapos ang mansion #3, pero inabutan daw ng COVID-19 pandemic kaya naudlot.

Pero ngayon naman, sa nakita naming video ay patapos na ‘yon. Baka nga raw by November ay lumipat na roon ang pamilya nina Manny at Jinkee.

Nice!

Mga pinamili ng celebrity-stylist sa ibang bansa, nakuha ng mga magnanakaw

Na-trauma raw talaga ang isang sosyal na celebrity-stylist nang basagin ang salamin ng kotseng sinakyan nila at nakawin ang mga gamit nila sa ibang bansa.

Ang lahat ng mamahaling bags na binili ni celebrity-stylist ay natangay.

Pati ibang mga gamit nila ng kanyang mga kasama, including their passports, nakuha rin.

So, sa pagka-trauma ni celebrity-stylist ay malamang daw na hindi na muna siya bumalik sa bansang ‘yon.

Nakakaloka nga naman kasi ang pagkakanakaw ng mga gamit nila, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with