^

PSN Showbiz

Gigi De Lana, Jordan Andrews, at shanti dope, tampok sa pagbabalik ng one music live

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sa unang pagkakataon simula nang magkapandemya, ibinabalik ng One Music PH ang long-running online live music show series nitong One Music Live tampok ang performances nina Gigi de Lana, Jordan Andrews, at Shanti Dope.

Kasunod ng debut album niya kasama ang The Gigi Vibes band at matagumpay nilang Domination concert series, magpapasiklab uli si Gigi sa pag-awit ng Bakit Nga Ba Mahal Kita ni Roselle Nava sa One Music Live. Isa sa mga ‘di malilimutang covers ng pop-rock diva ang impromptu niyang pag-awit sa kanta na siya ring pinagmulan ng Bakit Nga Ba Mahal Kita vocal challenge.

Samantala, handog naman ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Jordan ang acoustic spin sa megahit ni Sam Concepcion na Diwata, na unang ginamit sa Miss Universe Philippines 2021 pa­geant. Isa si Jordan sa mga magagaling na singers sa kanyang batch sa PBB at ilang beses na ring nakapag-perform sa ASAP Natin ‘To.

Mapapanood din sa stage ng One Music Live ang young rap phenom na si Shanti Dope kasama ang kapwa rap prodigy na si Hellmerry sa performance nila ng collab nilang Loaded —patok sa modernong hip-hop fans at tumatalakay sa kanilang lifestyle fantasies. Kahit 21-anyos pa lang, nakatanggap na ng maraming pagkilala si Shanti at mayroon na ring mahigit 200 million streams sa YouTube para sa hits niyang MAU, Nadarang, at Amatz, na ginamit pa sa isang episode ng Falcon and the Winter Soldier series ng Marvel.

Mahaba na ang listahan ng mga mahuhusay na artists na nakapagpamalas ng kanilang talento sa One Music Live gaya ng IV of Spades, Ben&Ben, Typecast, Silent Sanctuary, Hale, December Avenue, Callalily, Janine Berdin, Kitchie Nadal, at marami pang iba.

May upcoming performances naman sina Keiko Necesario, Benedix Ramos, Cesca, Janah Zaplan, Jikamarie, Juan Thugs, Matthaois, at iba pa sa One Music Live na bahagi ng Made For YouTube projects ng ABS-CBN.

PINOY BIG BROTHER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with