^

PSN Showbiz

KC, naka-recover na sa virus!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magaling na si KC Concepcion at nag-resume na ng shoot ng pelikulang Asian Persuasion na kinukunan sa New York.

Sa kanyang IG story, nakalagay na three days na lang at matatapos na ang shooting ng movie at dahil sa 2023 pa ang playdate, may enough time ang production na ito’y pagandahin.

Ibinalita ni KC na her hands are feeling better and feeling stronger, naapek­tuhan yata ang mga kamay ni KC nang magka-COVID siya.

Grabeng variant yata ang tumama sa kanya at nabasa namin na kung ‘di naagapan, baka na-paralyze siya.

Nabasa rin namin na may kinalaman si Sharon Cuneta kung bakit si KC ang napili to play her character. Dapat daw si Toni Gonzaga ang lead actress, kaya lang, hindi ito pumwede dahil sa conflict of schedule, kaya tinawagan ng director si Sharon, hinanap si KC and the rest is history.

Comeback movie ito ni KC after a long time, kaya hindi lang siya ang excited, excited din ang kanyang fans na mapanood siyang muli sa big screen.

Herlene, inunahan ang Santacruzan ng Binibini

Sinita si Herlene Budol ng kanyang supporter dahil prineempt ang isinuot na gown sa ginanap na Santacruzan ng Top 40 candidates ng 2022 Bb. Pilipinas. Pinost kasi ni Herlene sa Instagram ang gown na in fairness maganda. Sabi ng kanyang supporter, nawala ang excitement dahil nakita na ang kanyang gown. Dapat daw, after na ng Santacruzan siya nag-post.

Hindi lang siguro nakapagpigil si Herlene dahil bukod sa maganda, mahal ang ipinasuot sa kanya.

“Mga Hiponatics, eto yung na assign kay Hipon Girl nyo sa Binibining Pilipinas Pamayanan Guadalupe para sa Flores de Mayo. Ginastusan etong creation na sobrang detalyado sa halagang 150,000ph. Thank you kay Mima @sirwil75. Iba ka talaga magpasabog at ciempre excited ako  suotin ang creation ni Geronie Labora all the way from the city of flowers Zamboanga City,” part ng post ni Herlene.

Hindi pa man nananalo, marami nang pinasalamatan si Herlene na sinabing ang kanyang pagsali at para sa kanyang pangarap at sa kanyang pamilya.

Special mention ang grandparents ni Herlene na nag-alaga sa kanya.

Ogie, nanatiling kalmado

Puro pa rin pink ang emojis na pinost ng followers ni Ogie Alcasid bilang reaksyon sa positibo nitong post gamit ang larawan ni VP Leni Robredo sa pagharap sa supporters nila ni Sen. Kiko Pangilinan.

Sabi ni Ogie, “Kahit hindi natin nakamit ang pinangarap na panalo, kayo po Mam VP ay nanatiling kalmado at mahinahon ang disposis­yon. Kahanga hanga po talaga kayo. Salamat po Mam sa inyong serbisyo sa bayan bilang aming VP.

“At gaya po ng sabi nyo, tanggap na namin ang resulta ng eleksyon pagkat nagpasya na ang nakararami. God bless the Philippines.”

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with