^

PSN Showbiz

Bobo at porn tweet ni Andrea, fake raw!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bobo at porn tweet ni Andrea, fake raw!
Andrea Brillantes.

Itinanggi ng management team ni Andrea Brillantes na tweet ng young star ang nagkalat kahapon :  “stress nanaman sila saken palibhasa mga inggit at hindi biniyayaan ni lord ng magandang mukha HAHAHA.”

“Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!!”

“Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!”

“Okay lang may bold, atleast di palamunin sa bahay”

“Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences,” ang ilan sa sinasabing fake tweets ng controversial young star.

Ang sabi ng ibang netizens ay verified ang account na ginamit sa mga nasabing tweet supposedly ni Andrea dahil may check, eh ‘yun daw Twitter account ni Andrea na may almost 1 million followers ay walang check o hindi verified.

Kaya naman mabilis naglabas ng statement ang management group niya sa pangunguna ni Vicky Aguila :  “May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.

“Nananawagan kami sa publiko na ma­ging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

“Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng kasong cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon,” ang buong statement ng manager ni Andrea.

Supposedly kasi ay sinagot siya si Andrea ni Kitty (na isang parody account) ng “true may bold ka, ako wala.”

Si Kitty ay anak ni Pangulong Duterte.

Walang recent post si Andrea sa kanyang social accounts.

Wala rin si Andrea sa ginanap na #LeniKikoPasasalamat sa Ateneo ground kahapon.

Habang sinusulat namin ito ay si Jolina Magdangal lang ang kumalat sa social media na andun sa nasabing pagtitipon at wala ang ibang mga sumama sa kampanya nina VP Leni Robredo and Sen. Kiko Pangilinan.

Anyway, tama naman si Micheal V., mag-move on na tayo.

 

ANDREA BRILLANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with