^

PSN Showbiz

KathNiel, na-homesick sa lock-in taping

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, na-homesick sa lock-in taping
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel, TV5 at iWantTFC ang 2 Good 2 Be True na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito ang kauna-unahang serye na gawang-Pinoy na mapapanood sa Netflix.

Naranasan ng tambalang KathNiel ang lock-in taping para sa bagong proyekto. Ayon kay Daniel ay maganda rin ang naidulot ng ganitong sistema ng trabaho para sa kanilang buong grupo. “Okay din, napapabilis ang trabaho, nakikilala mo ang co-workers mo. At sa production din, mas okay sa kanila kasi sa oras. ‘Yung scheduling nila mas nakakatulong,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Aminado ang aktor na hinanap-hanap niya ang pamilya dahil sa loob ng ng ilang buwang hindi pag-uwi sa sariling bahay. Matatandaang Oktubre pa noong isang taon nasimulan ang taping para sa bagong serye. “More on personal ‘yung struggle, more on ‘yung homesick ka na. Tapos siyempre kapag repetitive at paulit-ulit ‘yung ginagawa mo, parang minsan nakakapagod. Iba ‘yung sa kapag nakakauwi ka at least ‘yon pwede kang tumambay saglit sa bahay mo. Nakikita mo ang mga kapatid mo, ‘yung pamilya mo. Dito, uwi, trabaho, uwi so minsan aabutin ka,” pagtatapat niya.

Para naman kay Kathryn ay mahirap talaga na hindi ka regular na nakauuwi sa bahay pagkatapos ng mga ginagawang trabaho. “Ang hirap din kapag hindi ka masyadong nakakauwi. Siyempre may mga days na feeling mo nabu-burnout ka kasi tuluy-tuloy,” paglalahad ni Kathryn.

Jon babawi, may comeback live concert

Mahigit dalawang taon na ang nakararaan nang huling nakapagtanghal si Jon Santos sa entablado.

Mamayang gabi ay muling mapapanood nang live ang komedyante sa Jon Santos: LiveScreaming kaya sobrang pananabik na ang nararamdaman ng aktor. “I am most excited to be bonding face-to-face finally with my audiences, not just via streaming but live na live. It’s perhaps what the country needs most right now! We are lucky to be alive but be just want to scream, to let it all out! The last two years have been so tough. We deserve to be insane, to let loose for one night. I will lead the screaming, they will do the clapping and we will have a good time,” pagbabahagi ni Jon.

Maraming mga bagay umano ang pinagkaabalahan ng aktor sa kasagsagan ng pandemya upang mapanatiling maayos ang kalagayan ng kanyang mental health. “Through yoga, yoga and more yoga. I regained my perspective through the pockets of Mindful Time. I was able to fight hopelessness. Through artist friends, I was reminded that we do not have to fight this alone. I was reminded that art will always find a way. Technology helped a lot. Kasi nga face to face was next to impossible. I was lucky to have been invited to some really fulfilling theatrical collaborations that brought comfort to our kababayans, either manning the frontlines or trying to heal at home,” makahulugang paliwanag niya.

Magiging panauhin ni Jon sa naturang show na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sina Alisah Bonaobra, Gian Magdangal at OJ Mariano. (Reports from JCC)

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with