^

PSN Showbiz

Aljur, nagsalita sa pagkapanalo ng kanyang Papa Robin!; Ana, tuloy ang therapy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man naipalabas ang pelikulang prinodyus ni Ana Jalandoni, pero gagawa na siya ngayon ng isa pang pelikula na si Aljur Abrenica pa rin ang leading man.

Last year kasi ay nagpa-presscon si Ana kasama si Aljur at iba pang co-stars para sa Manipula pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipalalabas.

Nung nag-presscon sila para sa pelikulang ‘yun ay ang isyung hiwalayang Aljur at Kylie Padilla ang mainit na pinag-uusapan.

Ngayon ay nagsama uli sila para sa isa na namang project, na may titulong The Revelation na ididirek naman ni Ray-An Dulay.

Ang isyu namang pinag-usapan ay ang diumano’y bugbugang isyu ni Ana kay Kit Thompson.

Tahimik na si Kit at nawalan na ng maraming projects, samantalang si Ana ay namayagpag at naging interesado na sa kanya ang ibang producers.

Pero tuloy pa rin daw ang kaso, hindi na lang nga namin na-follow up kung saan kinasuhan ng sexy star ang ex na aktor. “Okay na po ako ngayon. I feel happy… after two months na recovery ko. Still in the therapy, once a week pa rin, but happy and excited actually, dahil nga may proyekto ako ngayon,” pakli ni Ana sa story conference ng proyektong ito.

Marami raw siyang na-realize sa pinagdaanan niya, pero ang mahalaga ay nakakabangon siya. “Malalim man ‘yan, pero aangat pa rin ‘yung pagiging tao. Saka kung paano ka maghi-heal. Aangat pa rin ‘yun, thanks to God. Siya ang nagli-lead sa akin everyday,” dagdag niyang pahayag.

Ang leading man naman niyang si Aljur ay okay na okay na rin pagdating kay Kylie Padilla bilang magulang ng dalawa nilang anak. “We have a healthy relationship, kami ni Kylie. We talk, every week—when it comes to parenting, how do you handle this, may ganito si Alas, mga ganun.

“Nakakapagbiruan na rin kami. Alam mo ‘yun, masaya ako,  nakakapagbiruan kami,” saad ni Aljur.

Masaya rin siya sa pagkapanalo ng father-in-law niyang si Robin Padilla na hanggang ngayon ay Papa pa rin ang tawag niya. “Kasi si Papa, ang dami niyang natulungan. Alam natin ‘yan dito sa industriya ‘di ba? ‘Yung mga  stuntman, tinulungan niya. Doon ako humanga sa kanya. He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga,” sabi pa ni Aljur.

Zonia at Jamir, personal choice ng DongYan

Nabigyan ng magandang break ang loveteam ng Sparkle na sina Zonia Mejia at Jamir Zabarte.

Sila ang kaagad na pinili nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati ang buong production team na makasama sa bagong sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa na magsisimula na ngayong gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Lahat kasi na co-stars ng mag-asawa ay personal choice nila na tingin nila magaan nilang makakatrabaho.

Sila ang pumili nina Benjie Paras, Mike ‘Pekto’ Nacua, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, at marami pa, at nung nagpa-audition itong sina Zonia at Jamir ay nagustuhan nila agad dahil nakikita nilang bagay sila sa role para sa naturang sitcom.

Medyo napi-pressure ang magka-loveteam, pero dahil nga sa pressure na ito ay lalo raw silang na-motivate na pagbutihin nila ang kanilang ginagawa. “Sa lahat naman po na show na binibigay, may pressure. Pero ‘yun po ang parang motivation namin para gawin ‘yung best namin sa lahat ng trabaho,” pakli ni Zonia.

Dagdag na pahayag ni Jamir: “Good pressure naman po ito para sa akin. Hindi naman po nawawala kasi mas ini-enjoy po namin ‘yung bawat eksena na gagawin namin. ‘Yun po ang time na magkasama kami.”

Ang buong akala ko ay sila na at nagkadebelopan dahil nakikita namang kumportable silang dalawa para sa isa’t isa magmula pa nung ipinakilala sila sa Heartful Café.

Pero hindi naman daw. Pareho lang daw silang purisigidong mag-focus sa trabaho.

Kaya abangan natin ang tambalang ito sa Jose and Maria’s Bonggang Villa simula ngayong gabi.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with