^

PSN Showbiz

Aktor, matindi ang naging depression sa breakup

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, worried ang ilang mga kaibigan ng aktor para sa kanya.

Eh, kahihiwalay lang ni aktor sa girlfriend na isa ring showbiz personality at grabe pala siya kung ma-depress.

Hindi raw madaling makapag-adjust si aktor kapag nabibigo sa pag-ibig. At hindi siya mada­ling makalimot kaya nagkaka-depression daw.

May isang dati ring nakarelasyon si aktor, isa ring aktres, na nakasama niya sa isang event abroad.

Tinanong daw ng organizer si aktor kung okey lang ba sa kanya na magkasama sila ng kanyang ex-girlfriend sa event na ‘yon at yes daw ang isinagot ni aktor.

Akala naman daw ng organizer ay talagang okey na okey na si aktor dahil matagal na rin naman ang hiwalayan nito at ng aktres na kasama sa event na ‘yon.

Pero mali pala.

Nang dumating daw si aktor at ang ex-girlfriend sa bansa kung saan gaganapin ang malaking event ng produktong nag-imbita sa kanila, medyo emotional na raw si lalaki.

And ending, uminom ito nang uminom at sa mismong oras ng event ay nakatulog sa kalasingan.

Hindi tuloy nakasipot si aktor sa event na ‘yon.

Ang ending, nagalit si organizer na friend pa naman ni aktor at ang tagal nilang hindi nag-usap.

Ang worry ngayon ng mga friend ni aktor, emotional na naman siya dahil sa failed relationship kamakailan lang. Umaasa ang kanyang mga friend na magi­ging okey agad si aktor para hindi niya danasin ang dinanas niyang depression noon.

Well, sana nga. Mabait pa naman si aktor at masasabi naming isa sa mga totoong makisama sa entertainment press.

Direk Perci, mas pinili si Christian kesa sa Cannes Filmfest

Dapat ay pupunta ng Cannes Film Festival ang director-producer na si Perci Intalan, pero nang magka­tsikahan kami noong isang araw sa Annabel’s restaurant, naikuwento niya na hindi na siya matutuloy.

Dapat ay may mga producer at distributors siyang imi-meet doon, pero may isang important project daw siyang kailangang simulan agad kaya hindi na nga siya makakaalis. “First trip ko rin sana abroad dahil hindi rin naman kami nakaalis ng matagal dahil sa (COVID-19) pandemic.

“Pero may project kasi kami ni Christian Bables na kailangan kong simulan na dahil ngayon lang siya available. Kung aalis ako, hindi na namin magagawa ‘yung project.

“May sabit din kasi ang schedule niya, so, kailangan kong i-give-up ang pagpunta sa Cannes,” tsika ni Sir Perci.

Pero mukhang exciting ‘yung project na gagawin nina Sir Perci at Christian kaya worth it naman ang pag-give up ng una sa kanyang Cannes trip.

‘Yun na!

vuukle comment

BREAKUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with