^

PSN Showbiz

Regine, nagluluksa pa rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Regine, nagluluksa pa rin
Regine Velasquez.

Kung ang supporters ni Bongbong Marcos nagpalit ng red DP o Digital Photo, si Regine Velasquez, black ang DP. May post din si Regine ng black space sa kanyang comment box at walang caption.

Sa isa pa nitong post ng isang parang frame na may flowers, off ang comment box, pero may caption siyang “I have no words.” Ang pagkatalo ni VP Leni ang tinutukoy ni Regine, pero dahil off ang comment box, walang makapag-comment.

Doon sa open ang comment box, mababasa ang reaction ng followers ni Regine na “mahigpit na yakap ate. Salamat sa pagtindig,” may nag-comment ng “andito lang kami. Ilalaban namin ‘to.” May nag-“Thank you Regine for ta­king a stand” at may nagpaabot ng dasal at ipinaalala sa kanya na hindi pa tapos ang laban.

May mga nang-iinis lang na hindi na sinasagot ni Regine, kaya ang ending, ang maka-Leni Robredo at Kiko Pangilinan at maka-BBM (Bongbong Marcos) at Sara (Duterte) ang nagsasagutan.

May concert sina Regine at Sharon Cuneta sa June 17 and 18, sa Resorts World Manila at may US Tour silang kasunod. Siguro after the concert, babalik na ang sigla ni Regine.

Bubble Gang, pinaliit ang cast

Kabilang sina Antonio Aquitania, Dos Quizon, Ashley Rivera, Diego, Maila, Betong Sumaya, at Mikoy Morales sa mga nawala sa Bubble Gang. Naiwan sina Valeen Montenegro, Paolo Contis, Sef Cadayona, Chariz Solomon, Faye Lorenzo, Archie Alemania, Annalyn Barro, at Michael V. Pumasok na bagong member ng Bubble Gang  sina Tuesday Vargas, Kim de Leon, Dasuri at Kokoy de Santos.

Ang daming nawala at konti ang bagong member at kahit anong sabihin, nakakalungkot i-celebrate ang anniversary ng show sa May 27 na wala ‘yung dating members. May dahilan naman kung bakit mas maliit na ang cast ng Bubble Gang at ipinaliwanag ito nina director Frasco Mortiz at Bang Arespacochaga.

Kailangan daw ng mas maliit na cast para hindi lumabnaw ang show at kung ano ang hinihingi ng viewers at netizens, ‘yun ang kanilang ibibigay. Also, they also want to discover new talents. “No personal interest, gusto naming magtagal ang Bubble Gang at sa mga nawala, they are still with GMA at makakapag-guest pa naman sila. Naintindihan ng mga naalis kung bakit kailangang may mawala at may mga bagong pumasok, pareho kami ng goal at ‘yun ang for Bubble Gang to keep going.”

Sa May 27, simula ng re-launch, bukod sa new cast member, may mapapanood ding new segments at ‘yung mga hit segment dati ay ibabalik. Sa mga susunod na episode, mapapanood ang viewers na maggi-guest at magpapatawa.

Alden, walang sabi-sabing pumunta ng New York

Lumipad pa-New York kahapon, May 13, si Alden Richards at sa May 17 daw ang balik. Sandali lang daw sa New York ang actor, may trabaho raw ito na hindi na sinabi kung anong klaseng trabaho. Siguro, sa kanyang pagbabalik, malalaman din natin kung bakit siya lumipad.

It’s a good thing na hindi lock-in ang taping ng Start-Up, ang series nila ni Bea Alonzo, kaya puwede silang mag-stop muna ng taping.

May humula na baka photoshoot ang ipinunta ni Alden sa New York, may nag-isip naman na baka tungkol sa US Tour ng documentary concert niyang ForwARd ang inilipad niya. Sa August at September ang US Tour niya at sa July pa naman ang airing ng Start-Up, may enough time pa sina director Jerry Sineneng at buong production team na tapusin ang taping. 

 

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with