^

PSN Showbiz

Andrea, naging intimate sa Argentine leading man

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, naging intimate sa Argentine leading man
Andrea
STAR/ File

Aminado si Andrea Torres na may mga maiinit siyang eksena sa Argentine film na Pasional kung saan dumating sa bansa ang film crew nito para tapusin ang shooting ng kanilang pelikula.

Kasama sa dumating sa Pilipinas ang director nito na si Francisco D’Intino, assistant director, Nicolas Cacciavillani, producer, Agustin Clerico, and Andrea’s leading man, Marcelo Melingo.

Nag-shooting sila sa Caramoan, Camarines Sur and Coron, Palawan.

Nag-umpisa silang mag-shooting sa Cordoba, Argentina.

Anong masasabi mo na ikaw ang napili sa project na ito at international pa?

“Of course, it’s a huge honor for me, kasi kahit papaano po parang nagkakaroon sila ng idea kung paano ang Pilipino, ‘di ba, kung ano ‘yung mga traits natin, kung paano tayo magtrabaho rito, and happy din naman po ako na na-enjoy nila ‘yung lugar natin pagpunta nila rito.

“Very, very happy na nabigyan ng ganitong opportunity. Kaya everyday talaga na kasama ko sila at nagtratrabaho kami, talagang buong atensyon ko nandu’n,” chika ni Andrea sa ginanap na media conference the other day.

Gaganap si Andrea bilang Mahalia sa Pasional, isang dating tango dancer at hurado ng International Tango Dance Festival.

May natutunan ba siya sa ginampanan niyang role?

“Ang dami ko pong na-experience na bago rito. Nag-train ako ng Tango bago ako umalis pero I was surprised kasi pagdating ko do’n iba pala yung Tango na nakakasanayan nating makita sa YouTube and ‘yung Tango na ginagawa nila which they call Milonga. Mas intimate siya kasi you have to follow your partner kung saan ka niya dadalhin. There’s no choreography, really, kaya you base it on the weight kung saan siya papunta so kaya siya nagiging intimate kasi nga nagpapakiramdaman kayong dalawa,” sagot ng Kapuso actress.

“Tinuruan din nila ako ng mga Spanish lines, ang aking partner, sobrang galing na mentor pagda­ting diyan at sobrang strict. So na-enjoy ko rin po kasi parang… iba ‘yung tono niya eh sa pananalita natin. Parang in a way, kapag ginagawa ko siya, parang feeling ko para akong kumakanta. So parang gusto ko po siyang ituluy-tuloy kasi I heard na 2nd most used language din siya. So magagamit ko rin talaga. And for future projects na rin or ‘pag nag-visit ako sa kanila. Kasi naging sobrang close na rin talaga kami so I’m sure pupunta at pupunta akong Argentina ulit.”

Sa tanong naman kung may naging adjustment or anything habang sino-shoot ang Pasional : “Nagulat ako na magkaiba tayo ng way kasi tayo ‘di ba parang laging heavy drama, malalaking eksena, malalaking movements, babad ‘yung kilos. Sa kanila naman, minimal lagi dapat ‘yung reaction mo. Mas gusto nila ‘yung pigil, mas gusto nila snappy ka kumilos. Also, mas gusto nila ‘yung hindi ka laging umiiyak, ‘yung ganon.”

Wala pang idea ang actress kung kailan ito mapapanood.

After Pasional ay may gagawin siyang programa sa GMA 7 : “Narinig ko po, meron pong show na gagawin very soon na niluluto po sila. So excited din po ako do’n kasi kung totoo ‘yung naririnig ko, parang first time ko rin makakatrabaho ‘tong aktor na ‘to na makakasama ko.”

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with