^

PSN Showbiz

GMA may pa-lock-in taping sa Korea!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ilan sa mga kaibigan naming pulitiko na hindi pinalad sa nakaraang eleksyon ay nagsasabing naka-move on na raw sila.

Kaya siguro mas mabuting mag-move on na rin tayo dahil kailangan nating paghandaan kung ano ang haharapin nating bukas sa bagong lider at sa iba pang bagong halal na magpapatupad ng batas sa ating bansa.

Dito na muna tayo mag-focus sa mga bagong programang aabangan natin sa GMA 7.

May narinig kaming isang malaking show ang pinaghahandaan nila na sa South Korea pa raw isu-shoot, at mahigit isang buwan daw silang mala-lock in doon.

Hindi na muna ibinigay ang buong detalye pero, pitong Kapuso artists daw ang involved dito na tagung-tago kung sino ang mga ito.

Abangan na lang daw ang bonggang announcement kung sino ang makakasama sa natu­rang show na mukhang pagkakagastusan nang bonggang-bongga.

Marami ring mga drama series na binubuo na at ang iba ay sa last quarter of the year na sisimulan.

Rayver, babad sa bahay ni Julie Anne

Ang ganda ng ngiti ni Julie Anne San Jose kapag si Rayver Cruz ang natatanong sa kanya sa nakaraang media launch ng bago niyang endorsement na Aquaskin Amino Collagen.

Tamang-tama naman bago siya ini-launch, ang daming nakapansin sa pasabog na pictorial niya sa Boracay nang mag-guest siya Happy ToGetHer na naka-two piece na kuha sa naturang isla.

At nang tanungin sa kanya ng andung press kung ano kaya ang reaction ni Rayver sa pictorial niyang ‘yun. “So far po, wala naman siyang violent reactions. He’s always been supportive,” napapangiting sagot ni Julie Anne.

Kagaya rin ng mga nakaraan niyang sagot sa kung ano na talaga ang status nila ni Rayver, mas mabuting siya (actor) na lang daw ang tanungin.

Kaya hinihintay na ang media conference ng Bolera para itanong ito sa Kapuso actor.

Pero masaya raw siya ngayon na nakikita naman sa kanya.

Madalas nga raw dumadalaw si Rayver sa bahay ni Julie at doon sila nagba-bonding. Mahilig na rin kasi si Rayver sa music at ‘yun ang bonding nilang dalawa. “Kasi ever since naman po talaga, masarap pong kasama si Ray. We enjoy each other’s company, we have a lot of things in common. Tapos, we also share the same interest. For example sa music nga po, minsan nga naggi-guitar nagpapatulong siya sa songs niya. Mas magaling na nga siyang mag-guitar sa akin.

“Nakakatuwa po talaga. Very happy. We get to share stuff like that,” saad ni Julie Anne.

Sabi nga ng ilang napagtanungan namin, gusto si Rayver ng magulang ni Julie Anne dahil magalang daw ito.

Ang laki raw ng respeto ni Rayver sa parents ni Julie Anne, kaya cool lang daw sila at hindi naman daw nagmamadali. “Welcome naman po siya sa bahay. Nakikita naman po ng magulang ko. Okay naman po,” pakli ng Limitless star.

“Ever since naman, sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Ganundin naman siya, sabi niya sa amin. That’s why siguro isa rin ‘yun bakit kami nag-jibe, bakit kami nag-click talaga.

“I’m in a very happy state. I’m in a very good place right now. That’s what I always say, but it’s true. I’m in a very very good place right now,” masayang pahayag pa ni Julie Anne.

Sa ngayon ay naka-focus muna si Julie Anne sa kanyang pagkanta. Baka bandang end of the year pa raw siya mag-soap.

May inaayos na concert sa Resorts World Manila, at bandang July ay may US tour siya.

Pero may pinaghahandaan din sila sa kanyang kaarawan sa susunod na linggo. Malamang na may birthday celebration sila sa All-Out Sundays.

Pero ano kaya ang birthday surprise ni Rayver sa kanya?

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with