^

PSN Showbiz

Senado, puwede nang mag-produce ng action film!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Senado, puwede nang mag-produce ng action film!
Robin Padilla.

Hanggang kahapon ay top trending pa rin si Robin Padilla sa Twitter na karamihan ay hindi makapaniwalang ang aktor ang mangunguna sa senatorial race.

Medyo nakakagulat nga. Pero base sa survey at sa mga naririnig namin sa masa, at ilang kaibigan naming mga Muslim, puwede talaga siyang mangu­una.

Hindi rin maitatanggi na nakatulong ang pagla-live selling ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, at nag-viral pa ang “ang electric fan, nahulog!”

Ang buong akala kasi namin ay lalaban nang pukpukan sa number one si Raffy Tulfo.

Pero sinabi naman ni Idol Raffy sa isang interview na hindi naman daw niya hinahangad ang mag-number one. Mas hangad daw niya ang makatulong sa taumbayan.

Wala namang magagawa ang mga nagngi­ngitngit na number one si Robin, dahil sa takbo ng bilangang kahapon, parang hindi na siya matitinag sa number one slot.

Karamihan sa netizens ay nag-aalburoto na mas karapat-dapat daw na makapasok sa top 12 ang senatoriable na si Atty. Chel Diokno kesa kay Robin.

Kaya ang dami na namang memes na naglalabasan.

Merong nagsasabing makakabuo na raw ng panibagong pelikula sa Senado na puwedeng ang title ay “Ang Pinuno, Si Agimat at si Bad Boy!”

Nung Martes ng madaling araw ay nag-Facebook live si Robin na wala raw munang tulugan para tutukan ang bilangan lalo na’t nangunguna ang pangulo niyang si dating Senador Bongbong Marcos. “’Yan pong ating ipinangako sa ating magi­ging pangulo ng Pilipinas na kay Bongbong Marcos na wala pong tulugan ngayong gabing ito,” bahagi ng kanyang pahayag.

Marami namang taga-showbiz ang all-out ang suporta kay Robin, at isa nga sa nagpahayag nang pagkatuwa ay ang FDCP Chairperson Liza Diño na kaagad nag-post sa kanyang Facebook account. Aniya: “Congratulations kuya SENATOR Robin Padilla! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill dahil nandiyan ka na sa Senado.

“Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang kasangga ng FDCP para ipagtanggol ang karapatan ng mga workers! You have always been the silent supporter on this advocacy. Unfortunately, sa senado nabinbin ang pagsasabatas ng EDDIE GARCIA BILL. But things happen in its proper time at naniniwala akong ito na ang pagbabagong hinihintay ng ating mga manggagawa para kilalanin ang mga karapatan nila.

“Nakakalungkot na ibang mga ka-industriya pa natin ang hindi naniniwala sa kakayahan mo but I bear witness to your aspirations and vision for our sector. Panahon na para magkaroon ng taong may tunay na malasakit at KATAPANGAN na siya mismong magsusulong para sa pagpapayabong ng pelikulang Pilipino.

“KEBER SA SINASABI NG IBA. Hindi ka nila kilala. Daanin mo na lang sa gawa. I’m rooting for you! I know your heart is in the right place.”

Magkakadugo, panalo sa Senado at Kongreso

Kung hindi mababago ang puwesto ng top 12 sa Senatorial race, magkadugo ang magtatabi sa session hall sa Senado.

Magkakasama rito ang magkakapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada, at ang mag-inang Sen. Cynthia Villar at dating DPWH Sec. Mark Villar.

Kahit sa Kongreso, kapag matiyak kung ilang seats na makukuha ng Agimat Partylist, uupo na rin bilang Representative si Bryan Revilla at makakatabi niya ang Mama niyang si Mayor Lani Mercado na nanalong Congresswoman ng lone district of Bacoor at ang kapatid na si Vice Governor Jolo Revilla, para naman sa first district of Cavite.

Sa totoo lang, si Sen. Bong Revilla ang nakahinga nang matiwasay dahil talagang kinarir niya nang todo ang pangangampanya sa Agimat partylist na ngayon pa lang sumali sa eleksyon.

Malaki rin ang nagawa ni Willie Revillame sa pangangampanya sa kanyang Tutok to Win na kung saan ang first nominee rito ay si Sam Verzosa ng Frontrow.

Congratulations sa lahat na nagwagi, at sa mga taga-showbiz na hindi naman pinalad, sana ay magkaroon pa sila ng puwang sa pag-aartista.

 

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with