^

PSN Showbiz

Joshua, laging pinagkakaguluhan sa studio

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Joshua, laging pinagkakaguluhan sa studio
Joshua Garcia.

Si Joshua Garcia sa It’s Showtime kahapon.

Isa ang aktor sa mga nakasama ni Ruffa Gutierrez bilang Authori-Team sa Sexy Babe segment ng noontime show ng Kapamilya Network.

Isa si Joshua sa mga pambato ng ABS-CBN ngayon at patapos pa lang ang Viral Scandal nila ni Charlie Dizon ay magbibida naman siya kasama ni Jane de Leon sa Darna: The TV Series.

Tinanong ko si Ruffa kung kumustang katrabaho si Joshua?

“He’s quiet but nice. Charming siya. Pinagkaguluhan siya sa studio. Ang daming nagpa-picture,” tsika ni Ruffa.

Actually, Ateng Salve, alam mo ba na dahil sa paiba-ibang kasama ni Ruffa bilang Authori-Team sa Sexy Babe segment na ‘yon ay ang dami na niyang Kapamilya stars na nakatrabaho.

Karamihan ay first time talaga niyang makasa at masaya si Ruffa dahil mga nice sila.

Bongga!

Sen. Win at Bianca, pakakasal na?!

Obvious naman na panalo na sa kanyang re-election bid si Senator Win Gatchalian, kaya ang tanong ngayon ng marami ay kung magpapakasal na ba sila ng girlfriend na si Bianca Manalo?

Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil kung Win ang name ng nasabing senador, manalo naman ang surname ng kanyang girlfriend, so sure na sure na talaga ang panalo kapag nagsama silang dalawa, huh!

Hahaha!

Anyway, in fairness nga pala kay Bianca, sobrang support siya sa kandidatura ni Sen. Win.

Kahit malalayong lugar ay nagpupunta si Bianca kasama ang boyfriend kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang mga nagmamahal kay Sen. Win.

‘Yun na!

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with