^

PSN Showbiz

Baguhang si Denise, huhusgahan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Baguhang si Denise, huhusgahan
Denise
STAR/ File

Sa mundong mapang­husga, isang babae ang mahihirapang ipakilala ang kanyang buong pagkatao sa takot na mapulaan ng iba.

At tatalakayin ito sa Vivamax Original Movie, ang Doblado na kwento ni Jaira (Denise Esteban), isang college student na nasa early 20s – maganda, maayos manamit, at angat ang itsura sa iba.

Pero sa likod ng kanyang pagiging Maria Clara, ay ang lihim na pinakatatago-tago niya, estudyante siya sa umaga, pero isa siyang part-time high-class prostitute sa gabi.

Bilang high-class prostitute, ang tinatanggap lang niyang mga kliyente ay mga VIP mula sa isang private na website. Dito niya makikilala si Ronan (Josef Elizalde), ang lalaking gugulo sa buhay niya dahil nangako itong hindi mahuhulog sa kahit na sinong kliyente. Magkakaroon ng relasyon ang dalawa na maglalagay sa kanila sa komplikado at mapanganib na sitwasyon.

Bibida sa kanyang unang lead role ang up-and-coming actress ng Vivamax na si Denise Esteban na unang napanood sa Vivamax Original Movie na Kaliwaan.

Si Josef Elizalde ay kamakailan lang napanood sa debut lead role nito sa X-deal 2.

Ang Doblado ay mula sa award-winning director na si GB Sampedro na naging direktor ng mga chart-topping Vivamax Originals – Kaka, Crush Kong Curly, at Kinsenas, Katapusan.

Kasama rin sa Doblado sina Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Anthony Fernandez, Gwen Garci at marami pang iba.

Mapapanood ito simula April 29, 2022 sa Vivamax.

DENISE ESTEBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with