^

PSN Showbiz

Marian, paboritong gayahin ng followers

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, paboritong gayahin ng followers
Marian
STAR/ File

Natawa ako, Salve, sa sinulat mo na basta isinuot ng isang fashionable actress ang isang bagay, for sure sa susunod na mga araw may lalabas ng imitation ng alahas niya. Ginaya na agad dahil marami nga nagkagusto at gusto agad bumili ng katulad ng gamit niyang alahas na mamahalin ang presyo.

Eh iyon talaga ang mga investment ng actress, dahil nga basta nagustuhan niya, buy niya kahit mahal.

Bongga nga at talagang maganda ang taste niya, kaya marami ang gusto ng mga ginagamit niya.

Sabihin na nating tulad ni Marian Rivera na ‘yung lahat ng gamit, nagkakaroon ng imitation dahil binibili ng followers niya, damit, alahas, bags at sapatos, ginagaya ng sellers para sa mga naghahanap na followers nila na gusto meron din sila nung ginamit ni Marian.

Bongga, ‘di ba, good endorser talaga ang Marian. Bonggang-bongga.

Dapat mahinahon pa rin…

Kahit pa nga parang mainit ang away ng mga kulay dahil sa eleksyon, dapat mahinahon pa rin ang lahat. Basta iboto lang natin ang gusto natin, ipaglaban natin, pero igalang ang magiging resulta.

Basta ako, sigurado sa ibinoto ko. ‘Yung may mga resibo talaga ang binigyan ko ng tiwala, dahil may napatunayan na.

Bagama’t talagang lito ako sa pamimili ngayong election, pero kahit ano pa ang resulta, tinatanggap ko.

Bongga talaga ang election ngayon, puno ng energy.

Iwasan na lang sana ang violence, hindi maganda.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with