^

PSN Showbiz

Barbie, hindi pabor sa live in

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

“Hindi pa po. Marami pa kaming dapat ihanda para sa kinabukasan,” sabi ni Barbie Forteza nang matanong kung may balak na ba siyang mag-asawa.

Natanong lang naman siya dahil sa lumabas ngang limang taon na rin pala silang on ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Kung sigurado sila, bakit hindi pa mag-asawa?

“Naniniwala po talaga ako sa long courtship. Hindi naman puwedeng madaliin iyan eh. Lifelong decision iyan. Hindi mo na mababawi. Hindi naman ako naniniwala sa live in. Sinasabi nila na mas makikilala mo lang ang tao kung makakasama mo na talaga. Pero ang live in, talo ang babae. What if duma­ting ang araw na na-realize ninyo hindi pala kayo match, kawawa iyong girl. Kahit na ano ang sabihin mo, hindi puwedeng hindi masasabing nakipag-live in ka na.

“Eh ang mga Pilipino po magaling lang magsalita, pero sa totoo lang napaka-conservative,” banggit ni Barbie sa isang interview.

“Malalaman din naman ninyo at mas makikilala ang isa’t isa kung mahaba ang courtship ninyo. Bukod doon mas mapaghahandaan ninyo ang kinabukasan. Makakapag-usap na kayo.

“ Itong showbiz hindi naman habang panahon ito. Bihira ang gaya halimbawa nina tita Gloria Romero, o tito Eddie Garcia na hanggang sa tumanda may career pa. Kaya kailangan ready ka rin naman, may negosyo ka nang matatag and that is the time na masasabi mong handa ka na ngang magkaroon ng pamilya,” dagdag pa niyang chika.

“Isa pa, marami pa rin naman kaming kaila­ngang gawin para sa pamilya namin. Hindi naman puwedeng isipin mo na agad na magkaroon ng pamilya nang wala ka pang nagagawa talaga para sa pamilya mo, lalo na para sa mga magulang mo. Pareho kasi kami na may pangarap na mabigyan din ng matatag na negosyo ang aming mga magulang,”  banggit pa niya tungkol sa kanyang plano sa pag-aasawa.

Makikita mo kay Barbie at maski kay Jak na sila ay mabu­buting anak na nagpapahalaga sa kanilang mga magulang.

Rufa Mae, nagsawa na sa pagpapakita ng balat

Bagay nga kaya kay Rufa Mae Quinto ang mother roles na gusto niyang gawin ngayon?

Siguro kasi nagsawa na rin naman si Rufa Mae sa pagpapa-sexy at pagpapatawa.

Pero may isang bagay na tila nakakalimutan ni Rufa Mae, hindi ang artista ang nagtatakda kung anong roles ang kanyang gagawin. Ang publiko pa rin ang magdidikta kung ano ang gusto nila. Kung ang ginawa mo ay gusto nila, magi­ging hit ka. Kung hindi naman nila gusto, hindi sila manonood, kaya mapipilitan kang gawin kung ano ang gusto nila.

Ang audience ang boss sa showbiz.

Napakagandang aktres, super healthy na

Nakita namin ang isang recent video ang isang dati ay napakagandang aktres. Ang laki ng idinagdag ng timbang niya.

Kung papipiliin kami ngayon ng character sa komiks para gawin niyang pelikula, ang maiisip lang namin ay ang Dabiana.

Bakit nga ba mukha siyang napabayaan sa isang community pantry? Tapos gumagawa pa siya ng ganoong video para sa internet.

Walang makeup, at alam naman ninyo ang cellphone videos walang anggulo iyan.

Dapat ang mga artista natin ay nag-iisip. Hindi sila basta matatanggap ng publiko kahit na ano ang hitsura nila.

RUFA MAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with