^

PSN Showbiz

Mother’s day, melancholic ang pakiramdam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother�s day, melancholic ang pakiramdam
Lolit Solis.

Siguro dahil Mother’s Day kaya melancholic ang feeling ko, Salve. Wala yata sa edad ‘yung paghahanap sa ina, kahit pa nga senior citizen ka na, andu’n pa rin ‘yung paghahanap mo sa kalinga ng iyong ina. Na mas na-appreciate mo kapag isa ka na ring ina.

Mari-remember mo lahat ng ginawa nila para sa iyo, ‘yung sacrifices nila, maaalala mo lahat iyon. Talagang unconditional ang pagmamahal ng isang mother, wala nang tatalo pa sa love nila sa kanilang mga anak.

‘Pag inisip mo nga, parang lahat ng nagawa mo hindi sapat para mabayaran ang naging pagmamahal sa atin ng ating mga mother.

Araw ng mga Mother, nagsilang at nagbigay-buhay sa atin. Habang nandiyan at buhay sila, gawin natin ang bigyan sila ng ligaya, huwag nating hintayin magsisi tayo na nagkulang tayo para sa kanila. Ang mga nanay natin ang tunay na hero, bayani, dahil sa kanila kaya buhay tayo.

Sila ang binigay ni God na maging gabay natin dito sa lupa. Mother knows best, totoo iyan, sila ang sundin natin dahil ang ikabubuti lang natin ang nasa puso nila, ang pangarap nila, makita tayong maligaya.

Alden, hindi naramdaman ang pandemic

Nakipag-dinner daw sa mga beauty queen si Alden Richards. Suwerte naman ng mga beauty queen dahil may oras na naibigay sa kanila si Alden para sa dinner. Talagang walang pandemic para kay Alden dahil tuluy-tuloy ang pagiging busy niya sa trabaho.

Halos normal na normal din ang dami ng kanyang ginagawa, pati commercial shoots ganun pa rin ka-busy. Talagang pinagpala si Alden dahil sa maganda niyang ugali at pagiging professional sa lahat ng bagay.

vuukle comment

MOTHER'S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with