^

PSN Showbiz

Alden, wish magpaka-daring

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, wish magpaka-daring
Alden
STAR/ File

Sana tulad ni Dingdong Dantes maging da­ring din si Alden Richards sa tatakbuhin ng kanyang career.

Sana tulad ni Dingdong, mag-grow din si Alden at pasukin ang pagdidirek ng serye o pelikula.

May mata at mahusay ang timing ni Dingdong sa paggawa ng projects, kaya from being a matinee idol, actor, ngayon director na siya at executive producer.

Puwede rin itong gawin ni Alden, ngayon pa lang palawakin na niya ang ginagalawan niyang mundo, pasukin na rin niya ang pagiging executive producer at directing. Para lalo pang lumaki ang mundo na ginagalawan niya.

Mga nagkakaedad, malaki ang pagbabago sa katawan

Naku, talagang magiging very useful sa akin ang wheelchair na bigay ni Gretchen Barretto sa tulong nina Ana Abiera at Ms. Rusky Fernandez. Kasi nga 75 years old na ako sa May 20 kaya talagang meron na akong mga muscle pain at weakness. Mahirap nang lumakad nang mabilis, mahirap nang umakyat ng stairs, madali nang hingalin, lahat medyo physically hindi ko na kaya.

Ganun siguro talaga ‘pag tumatanda, kahit ano pang sabihin may changes na sa katawan mo. Pero malaking bonus na sa akin na inabot ako ng 75 years old noh. Ang laki ng gratitude ko kay God na heto buhay pa ako at pilya pa rin sa aking edad na 75. Hah hah, basta happy ako, full life ang feeling ko, naabot ko na lahat ng dreams ko, talagang God was so good to me. Thanks for my life, my everything. Amen.

DINGDONG DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with