^

PSN Showbiz

Nasa airport na ang mga anak, Kris Na-HB, ‘Di na naman nakaalis pa-US!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nasa airport na ang mga anak, Kris Na-HB, âDi na naman nakaalis pa-US!
Kris
STAR/ File

Hindi na naman natuloy ang biyahe sa Amerika ni Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Joshua and Bimby.

Na-highblood daw siya ayon sa kanyang comment sa post ni Angel Locsin.

Nasa airport na raw ang dalawang anak at isa pang kasama, pero hindi siya pinayagan ng mga doktor na magbiyahe ng malayo.

Aniya, nagdilang anghel si Angel.

“Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na “sana hindi ka pa makatuloy, Ate…” I said, “Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga” then you said : “sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go,” umpisa niya.

Dagdag niya : “Grabe your gift of i don’t know if premonition or pang-awat, true enough nasa airport na si kuya josh, bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 wa­king BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin yung long haul flight.”

Nagkaroon din daw siya ng asthma attack kaya nagre-request siyang dalawin siya ni Angel na kasalukuyang pang nasa Cebu.

“Nag asthma attack last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagka bilib at pag love ko sa yo. But please makakadalaw ka naman diba?”

Hindi ito ang unang beses na naudlot ang biyahe ni Kris sa Amerika para magpagamot ng kanyang autoimmune disease.

Maraming beses na raw na nagplanong umalis sila Kris pero laging hindi natutuloy.

Pagkatapos payagang lumabas si Kris sa hospital, sa kanilang rented condo sa Makati na sila nakatira.

Ito ‘yung condo na P300,000 pala ang monthly rental.

BIMBY

JOSH

KRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with