^

PSN Showbiz

Ricky, naka-1 year na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ricky, naka-1 year na!
Ricky Lo.
STAR/ File

Naala­la ko si Ricky Lo nang maging guest namin si Mayor Joy Belmonte sa Take It! Take It! Me Ganon?! noong Martes ng Tanghali.

Isa sa talagang very solid ang tiwala at suporta kay Mayor Joy si Ricky Lo na ginunita ang first death anniversary kahapon.

Iniuwi na sa Samar ang mga abo ni Ricky para makasama ng abo ng kanyang mga magulang at kapatid.

Kaya medyo melancholic dahil sure ako na kung buhay si Ricky, isa siya sa excited sa reelection ni Mayor Joy.

Kaya rest in peace Ricky Lo, sure ako na win si Mayor Joy sa kanyang second term as mayor, dahil lahat sa Quezon City happy at joyful sa kanyang alaga.

Saka nakita natin kung gaano niya ginugol ang kanyang oras at lakas sa trabaho niya as Mayor ng isang big city like QC.

Iba rin ang style niya sa gover­nance, parang isang tunay na ina na nag-aalaga ng mga anak.

Vice Mayor Gian, kinabahan!

Natawa ako sa kuwento ni Mayor Joy tungkol kay Vice Mayor Gian Sotto, Salve. Dapat kasi sabay silang guests sa Take It! Take It! Me Ganon?! ni Mayor Joy pero nag-pass daw si VM Gian dahil kinakabahan sa akin, hah hah hah.

To think na feeling close ako kay Helen Gamboa-Sotto ang mommy niya. Kaya naisip ko naman ang image ko, huh huh huh. Mabait ako noh. Hahaha.

RICKY LO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with