^

PSN Showbiz

Ice, magko-concert sa MET, FDCP may pa-workshop sa mga extra!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ice, magko-concert sa MET, FDCP may pa-workshop sa mga extra!
Ice at Liza

Sayang, Ateng Salve, at hindi kayo nag-abot ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra and her hubby Ice Seguerra sa birthday kick off celebration ko kahapon sa SuperSam restaurant. Ang saya-saya kasi ng tsikahan namin sa mag-asawa.

Si Chairperson Liza, naikuwentong may event ang FDCP tomorrow (May 5) para sa background actors or ‘yung mga tinatawag na ekstra, ito ‘yung Bubog at Karga Acting Showcase.

Noon palang February ay nag-start ang mga extra ng intensive acting workshop na tumagal ng tatlong buwan.

Ang layunin daw kasi ay mabigyan ng opportunity ang mga extra na talagang matuto ng acting. Na maging magaling sila para pagdating sa shooting o taping ay mas nakakaarte na sila.

Sabi ni Chairperson Liza, marami raw kasi sa mga ekstra ang madalas na nasisigawan sa mga shooting o taping dahil hindi nga makaarte nang tama. So itong ibinigay nilang intensive acting workshop ay malaking tulong sa mga ekstra para mag-improve sa kanilang craft at ma-professionalize sila.

In fairness, ang bongga ng project na ito ni Chairperson Liza, huh!

So nice!

Sa pakikipagtsikahan naman namin with Ice, naikuwento niya na 35th year na siya sa showbiz ngayon.

Para sa anniversary niya ngayon, may pa-concert siya.“Sa birthday ko mismo on September 17,” tsika ni Ice.

Ang target venue nila ay sa MET (Manila Metropolitan Theater).

Sabi ni Ice, memorable rin sa kanya ang MET dahil may mga pelikula siya noong bata siya na doon ang location.

“Saka madalas din akong mag-guest noon sa Vilma! show ni Tita Vi (Vilma Santos-Recto) sa MET,” sey ni Ice.

May mga naiisip na raw si Ice na mag-guest sa kanyang 35th anniversary concert, pero hindi pa raw niya nakakausap. “Sana puwede sila,” sey pa ni Ice.

Alam mo, Ateng Salve, ang saya lang ng tsikahan namin ni Ice dahil naikuwento ko na ang first movie kung saan kinuha ako na gumanap na isang movie reporter ay sa Wake Up Little Susie ng Regal Films na pinagbidahan niya noong child star pa lang siya at kilala pa bilang si Aiza Seguerra.

Sabi niya, ‘yon din daw ang first movie niya.

Naikuwento rin namin kay Ice na noong 1988 namin siya unang nainterbyu sa TAPE, Inc. office ni Ms. Malou Choa-Fagar.

Ang dialogue pa noon ni Ice ay gusto na niyang maging astronaut at ayaw na niyang magmadre.

Nagulat si Chairperson Liza na gusto pala that time ni Ice na magmadre.

Bongga. ‘Yun na!

FDCP

ICE SEGUERRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with