^

PSN Showbiz

Dingdong, lutang ang husay sa pagiging direktor!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, lutang ang husay sa pagiging direktor!
Dingdong at Marian.

Ang ganda naman ng mga kuha ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa docu na ginawa nila for Mother’s Day. Talagang alam na alam ni Dingdong ang anggulo ni Marian, at feel na feel mo ang love sa bawat eksena.

Ang husay ng director ni Dingdong Dantes at about time na siguro na mabigyan siya ng isang malaking project kung saan siya ang namamahala. Meron siyang natural touch, mata sa mga detalye kaya naman lumalabas nang maganda ang bawat eksena na ginagawa niya.

Watch ninyo ang Mother’s Day special nilang mag-asawa sa GMA 7 at tiyak na masisiyahan kayo.

Alfred at PM, ‘di naghihiwalay

Isa pang nasa bingit lagi ng excitement si Alfred Vargas. Dahil sa kapatid na si PM Vargas na tumatakbo na congressman sa eleksyon talagang sobra ang pagod at pag-aalala niya. Gusto kasi niyang makita ng lahat ang kakayahan ng kapatid.

At talagang big brother si Alfred kay PM. Kung gusto mong makita si Alfred, hanapin mo si PM, tiyak na magkasama silang dalawa na umiikot sa distrito kung saan tumatakbo si PM.

Ang sarap makita ng dalawa kung paano sila magmahalan. Silang magkakapatid ay talagang nakabantay sa bawat isa lalo na nang mawala ang kanilang mga magulang. At bilang big brother ng mga kapatid niya, talagang all out si Alfred sa pag-aalaga sa mga naiwan sa kanya ng mga magulang nila.

Kaya ampunin natin si PM Vargas at ibigay ang kanyang wish na maglingkod sa ating lahat.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with