^

PSN Showbiz

Mga Pinoy buyer ng mga luxury brand, priority na sa mga fashion event sa abroad

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy buyer ng mga luxury brand, priority na sa mga fashion event sa abroad
Rei Tan.

Wow, priority na raw ang mga Pinoy sa international fashion event.

Patunay na maraming madadatung na kababayan natin.

Yup, grabe raw ngayon mag-shopping ang ibang mga Pinoy.

Ito raw ‘yung madadatung pero low profile at hindi mahilig sa mga fashion event o sosyalan.

At lalong hindi laman ng lifestyle pages na ang iba diumanong mga napi-feature ay ang mga tinatawag nilang socialite wannabe na hanggang pose pose lang sa mga pictorial pero hindi naman namimili ng mga luxury brand.

Ang ibang buyer daw ngayon ay mga naka-tsinelas lang at naka-shorts pero branded ang mga bitbit, mga paper bag ng mga high end store sa Greenbelt.

At ang isa raw sa kanila, worth P11 million ang napamili sa isang store, for a month lang ‘yun.

Grabe, so magkano kaya ang shopping budget niya sa isang taon, kung sa isang buwan pa lang ay P11 million na ang nagagastos niya?

Hindi raw visible ang nasabing buyer sa mga lifestyle event pero malakas mamili sa isang sosyal na store.

Anyway, going back to the fashion event, ang isa sa invited sa ginanap na Louis Vuitton exhibit sa Singapore recently ay sina Ms. Rei Tan.

Present din doon si Pinky Tobiano.

Number 1 client ng LV Philippines si Ms. Rei habang si Ms. Pinky ang Number 1 client ng Fendi Philippines. Nauna nang nakarampa sa Milan Fashion Week si Pinky.

Literal na bongga sila.

Actually, sa bahay ni Ms. Rei sa Angeles, Pampanga, naka-display ang collection niya ng mga Louis Vuitton trunck na iilan lang daw ang may ganung collection sa Pilipinas.

At massive rin ang collection niya ng Hermes at feeling ko, mas marami pa siyang Hermes bag kesa kina Jinkee Pacquiao and Heart Evangelista.

Pero ‘yun nga, low key lang siya. Visible lang  pag may event ang Beautederm.

Si Ms. Pinky naman ay parang hindi lumalabas na hindi branded ang suot.

 

LOUIS VUITTON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with