^

PSN Showbiz

AiAi hard sell na ang ginagawa, nanggagamit para maging katawa-tawa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi hard sell na ang ginagawa, nanggagamit para maging katawa-tawa!
AiAi de las Alas.

Naloka ako sa gimik ni AiAi de las Alas.

Trabaho lang ang mag-endorse ng kandidato kaya okey lang kung sino man ang kumuha at nagbayad sa iyo, pero choice mo pa rin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin.

Ok na magkalaban, siyempre kanya-kanyang labas ng gimik at salita, pero dapat naman siguro ma­ging polite ka pa rin sa mga gagawin mo, maliban na lang kung gusto mo talaga isara lahat ng pinto, at never na kayong magiging magkaibigan uli after the election.

Komedyante si AiAi, kung gusto niyang gawing katatawanan ang sarili niya, why not, pero sana iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa-tawa.

Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, ‘gutter comedy,’ iyan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte.

Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, ok lang, no big deal.

Pero sana walang bastusan, sana igalang niya pa rin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy.

Matuto ka sana AiAi kung saan dapat huwag lalagpas, baka ang ending hindi mo maka­yang dalhin.

Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi. Piece of advice AiAi, dahan-dahan lang, baka madapa.

Second baby ni Jen, suwerte!

Nanganak na nga pala si Jennylyn Mercado.

Nauna ko na itong nabasa dito sa PSN noong April 30 at kahapon nga ay may isa akong photo na nakita na parang nasa hospital bed si Jennylyn habang nasa tabi ng kama si Dennis Trillo na nakasuot ng head cover na ginagamit sa hospital.

Good thing na this time may nagbabantay kay Jennylyn habang si ay nagli-labor. At least may support siya sa tabi, unlike sa una niyang panganganak na mag-isa lang siya habang nasa labor room.

Malaking bagay ito para sa isang babae na manganganak. Iyon feeling of security na naibibigay ng isang lalaki sa tabi mo habang nahihirapan ka sa labor ng panganganak.

Suwerte ang second baby ni Jennylyn dahil nandun ang ama niya paglabas niya sa mundo.

Congrats Jennylyn. Maging mabuting ina ka sa dalawa mong anak.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with