^

PSN Showbiz

Hunky actor na nakipag-inuman bago lumabas sa lock-in, tinigbak ang character sa serye

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kahit parang normal na normal na sa labas, ganun pa rin ang patakaran sa mga taping dahil mas nag-iingat pa rin ang mga network sa ginagawa nilang programa.

May kahigpitan pa rin sa loob ng lock-in taping kaya kapag may na-violate  sa ipinapatupad na safety protocols, tiyak na wala ka nang kasunod na trabaho.

Mukhang ito ang mangyayari sa isang hunky actor na buong akala niya ay mapapalusot niya ang pakikipag-inuman sa ibang kasamahan sa trabaho.

Ayon sa ilang sources namin, isang araw na lang daw ay mapa-pack up na sa taping itong si hunk actor. Kaya ang akala niya, keri na niyang makipag-inuman dahil pack-up naman siya the next day.

Kaso, nasilip ng security officer na laging nagtsi-check sa location, kaya ini-report ito sa bosses.

Ang problema, nakarating na rin sa ibang co-stars na may ganung pangyayari kaya umangal ang ilan sa kanila.

Hindi daw dapat palagpasin ang ganung paglabag, kaya ayaw daw nilang makaeksena ang naturang aktor kung hindi siya bibigyan ng diciplinary action.

Kaya kahit hindi pa kinunan ang mga natitira niyang eksena, pina-pack up na ito, pati ang mga kasamahang nakainuman.

Ang latest na nabalitaan namin, hindi na siya pababalikin sa susunod na lock in taping, at ni-revise na ang script na hindi na siya kasali.

Kaya kahit buryong na buryong na ang karamihang naka-lock in, dapat pa ring mag-behave dahil hindi lang naman ikaw ang magdudusa sa nagawa mong mali, kundi may nadadamay ka pang ibang katrabaho.

May ilan pa kaming narinig na may ganung kaso, at naka-record na ito sa mga boss kung sino ang mga artistang pasaway sa lock-in. Kaya malamang na hindi na sila mabibigyan ng kasunod na project.

‘Slapshock’ binuhay

Nabuhay ang solid fans ng bandang Slapshock na na-disband na noon bago pa pumanaw ang lead vocalist nilang si Jamir Garcia.

Finally, ay nabuo ang panibagong banda na kung saan ay naging bahagi rito ang dating kasamahan ni Jamir na sina Chi Evora, ang drummer at si Lean Ansing, ang guitarist. Sa tulong ng major sponsor nilang Macbeth ay inilunsad ang bagong bandang Chelsea Alley.

Bukod kina Chi at Lean, kasama na nila ang magagaling din at galing sa ibang banda na si John Borja na bale vocalist nila at si Ariel Lumanlan, ang guitarist.

Doon na rin sa launching nila ini-launch ang first single nilang Heneral na isinulat ni John bilang tribute nila kay Jamir Garcia na tinatawag din naman ng mga fans nilang si Heneral.

Ang saya raw nila na nabuo nila ang naturang kanta, kaya excited silang ipadinig ito sa fans.

“Parang everything fell into place para dun sa song na yun, including the universe decided na ito ang una naming ilalabas na kanta,” saad ng gitarista nilang si Lean Ansing.

Ang laki raw ng impluwensya ni Jamir dito sa ginawa nilang kanta, at nasa isip daw niya ang friendship na nabuo nina Jamir sa ilang kasamahan niya sa Slapshock.

Saad ni John Borja na nagsulat nitong kanta; “Nung time na sinusulat ko yung kanta dahil alam ko ‘yung kuwento nilang magkaibigan si Chi at saka si Jamir, sobrang laki nung impact sa akin.”

Kaya emotional ang buong bandang Chelsea Alley sa kanilang ‘1st strike’ concert nung Biyernes dahil ramdam daw nila ang presence ng namayapa nilang kaibigang si Jamir Garcia.

“Writing man or doing a show, maybe later pagtugtog namin makakasama namin siya tutugtog e,” dagdag ni Lean Ansing.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with