^

PSN Showbiz

Pinay-Italian wagi sa Miss U Philippines 2022, Shamcey nagamit sa pulitika ang beauty pageant

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pinay-Italian wagi sa Miss U Philippines 2022, Shamcey nagamit sa pulitika ang beauty pageant
Celeste Cortesi.

Hanggang kahapon ay top trending pa rin ang Miss Universe Philippines 2022.

Agree naman ang halos lahat sa pagkapanalo ng kandidata ng Pasay na si Celeste Cortesi, isang Pinay-Italian beauty na sa simula pa lang ng competition, kapansin-pansin na siya.

Okay naman si Michelle Dee na consistent ang pag-angat sa nakasabayang kandidata. Pero ang isa sa pinakapaborito sa top 5 finalists ay ang Miss Bohol na si Pauline Amelinckx dahil sa napaka-inspiring na sagot niya sa final question.

Ang itinanong sa kanya ay kung ano ang life-changing decision na ginawa niya at ano ang impact nito sa kanyang buhay.

Ani Pauline; “The life-changing decision that I’ve made was to join Miss Universe Philippines again. Despite being bashed before for my body, being doubted by people, I found strength in myself. And this story can be a testament for other people to draw strength from it, too. And you can still achieve your ultimate the second time around.”

Sabi nga ni Pia Wurtzbach, naka-relate raw siya sa pinagdaanan ni Pauline.

Nag-trending din si Pauline, dahil ang da­ming netizens ang natuwa sa kanya. Kahit wala raw silang tutol sa pagkapanalo ni Miss Pasay, nalungkot sila na hindi pa rin nakuha ni Miss Bohol ang korona.

Kahit si Miss Taguig Katrina Llegado ay pangalawang attempt na rin ito.

Samantala, nakakadismaya ang performance ng Fil-Am na finalist ng American Idol na si Francisco Martin.

In-import pa ito mula Amerika para maging bahagi sa Miss Universe-Philippines 2022. Me­ron pa raw siyang ginawang kanta para sa Miss Universe PH, kahit wala naman daw siyang ideya sa beauty pageants.

Marami sa friends namin ang hindi na-impress sa ginawa niya sa Miss Universe Philippines, at parang ‘di na siya ganun kaguwapo kumpara nung nasa AI siya.

Mas okay pa nga sina Sam Concepcion kasama ang Fil-Am rapper na si EZ Mil.

May ilang tumaas ang kilay na ginamit pa ni Shamcey Supsup ang naturang beauty competition para maikampanya ang partylist niyang Arte, na kung saan siya ang first nominee.

Nagawa niyang pagsamahin ang pagiging pulitiko at National Director ng Miss Universe-Philippines.

Mikee, nalungkot sa pagkatalo ni Michelle

Malamang nalungkot si Mikee Quintos na hindi nakuha ni Michelle Dee ang korona ng Miss Universe Philippines 2022.

Si Michelle pa naman ang pinakasikat na beauty queen para sa kanya.

Pero masaya siya ngayon at excited sa pagsisimula ng bago niyang afternoon drama series, ang Apoy sa Langit na mapapanood na ngayong araw pagkatapos ng Eat Bulaga.

Excited si Mikee dahil siya ang kumanta ng theme song na pinamagatang Sa Iyo.

First time niyang kumanta ng isang original song para gamitin sa isang drama series. Dati kasi ay ang dati niyang kanta ang ginamit para sa Onanay.

Ngayon ay original song ito para sa Apoy sa Langit.

Ang suwerte nga ni Mikee dahil sunud-sunod ang binibigay sa kanya ng GMA 7. Pagkatapos niya sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kaagad na ibinigay sa kanya itong Apoy sa Langit.

Tampok din dito ang inaalagang talent ng Sparkle GMA Artist Center na si Lianne Va­lentin.

May mga nagawa nang shows si Lianne sa GMA 7, pero ngayon lang siya nabigyan ng magandang break dito sa Apoy sa Langit.

May pagka-daring daw siya rito na bagay naman sa kaseksihan niya.

“It’s very challenging and new for me. I just know na it’s sexy, daring, and mature role pero mas na-realize ko habang tumatagal na ‘yung role ni Stella, there’s more to it dahil maraming shift and emotions,” pahayag ng Sparkle artist.

Ang dinig ko bukod kay Lianne ay bibigyan din ng break at magandang project ang isa pang Sparkle talent na si Elle Villanueva.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with