^

PSN Showbiz

Zanjoe, walang kapaguran

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, walang kapaguran
Zanjoe Marudo.

Sa kasagsagan ng pandemya noong isang taon ay kabi-kabilang proyekto pa rin ang pinagkaabalahan ni Zanjoe Marudo.

Bukod sa teleseryeng The Broken Marriage Vow ay dalawang pelikula rin ang ginawa ng aktor noon.

Napapanood na ngayon sa Vivamax ang 366 na pinagbibidahan nina Zanjoe, JC Santos at Bela Padilla. Simula May 20 naman ay mapapanood na rin ang Ikaw Lang Ang Mahal na pagbibidahan ng aktor at Kylie Verzosa.

Bakit nga ba hindi nawawalan ng mga proyekto ang aktor? “Siguro marami akong kasamahan na takot magtrabaho (dahil sa pandemic) at nag-iba ng mga direksyon na gustong puntahan kaya siguro mas madami akong projects. Kumonti lang din siguro ‘yung pagpipilian (na aktor) kaya gano’n. Ako kasi wala pa ako do’n sa point na napapagod na or nagsasawa na sa ginagawa. Nando’n pa rin ako sa pagse-search ng ibang characters, ng mga projects na possible ko pang matanggap o magawa,” paliwanag ni Zanjoe.

Malaki ang pasasalamat ng binata dahil tuluy-tuloy ang mga trabahong kanyang natatanggap. Bilang aktor ay talagang pinaghahandaan daw ni Zanjoe ang bawat karakter na ipinagkakatiwala sa kanya. “Siguro nakita sa akin ng management ‘yung cou­rage na, ‘Oh, may artista tayong game, gustung-gusto magtrabaho.’ Kaya siguro nakita nila, naramdaman nila. ‘Yung willingness to work, ‘yon ang nakita nila. And every time na binibigyan nila ako ng project talaga namang pinaghahandaan ko. Kung ano ‘yung kailangan nila hangga’t maaari, kaya kong ibigay,” pagbabahagi ng aktor

AJ, ‘di iiwan ang showbiz

Titigil muna sa paggawa ng sexy films si AJ Raval. Maraming pelikula ng Viva ang pinagbidahan ng dalaga kaya nakilala bilang isang sexy actress. “Parang magla-lie low po muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako, plan ko po is mag-enroll ako this year,” bungad ni AJ.

Sa ngayon ay ayaw munang iba­hagi ng aktres sa publiko kung saan mag-aaral at anong kurso ang kukunin. Nilinaw din ni AJ na hindi naman daw tuluyang iiwanan ang show business. “Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral. Ang showbiz po kung para sa akin naman po pwede po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin. Pero ‘yung pag-aaral, lumilipas po kasi ‘yung panahon ko eh. Habang bata pa po ako habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family. Kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, babalik po ako sa showbiz. Hindi rin naman po ako mawawala sa showbiz, kaya din naman po pagsabayin. Parang bawas-bawas lang po ng work,” paliwanag ng dalaga.

Kung sakaling magpapaseksing muli si AJ ay kinakailangan umanong may kabuluhan ang gagawing proyekto.

Gustong sundan ng aktres ang mga yapak ng amang si Jeric Raval na nakilala noon bilang isang action star. “Nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi. Napag-usapan na rin po namin ito ng Viva. Gusto ko po talaga mag-action, gusto ko rin po na makuha ‘yung dream ko na mag-action,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with