^

PSN Showbiz

Ruffa, may karapatang lumigaya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, may karapatang lumigaya
Ruffa Gutierrez.

Ang ganda naman ng pagma-mature ni Ruffa Gutierrez. Sa ganda niya hindi mo maiisip na meron na siyang dalawang anak na babae na mga dalaga na.

Maganda ang naging pag-iingat niya sa kanyang katawan at looks kaya naman very desirable pa siya as a woman.

Isa pang bagay kay Ruffa Gutierrez ‘yung pagiging very sweet niya sa lahat kaya naman mahal siya ng mga taga-showbiz na itinuring siyang baby hanggang ngayon dahil dito na siya lumaki at alam ng showbiz ang buhay niya na parang anak na siya ng lahat.

Kaya naman unang matutuwa ang seniors na taga-showbiz ‘pag natagpuan ni Ruffa ang second heaven sa pag-ibig.

Sana nga she will grow old with someone who will give her security and love forever.

Ruffa Gutierrez is a very smart lady deser­ving of love and respect. We wish you happiness, Ruffa, sooner than soon.

Paglipas ng panahon, napakabilis...

Ang bilis talaga ng panahon. Baka bigla na lang pagkatapos ng election day ngayong Mayo, All Souls’ Day na, tapos Pasko na ulit.

Nakakabigla na lumilipas na agad ang mga araw ng parang ganun lang at hindi napapansin. Kaya naman parang nagmamadali ang lahat, wala nang time para lumi­ngon at ayusin ang mga bagay na nagawa.

Ewan ko kung mabuti ito para sa atin, or baka dahil sa madalian ang lahat hindi na natin nadama ang anumang epekto ng mga bagay sa paligid natin.

No more time to smell the flo­wers, count the stars above, dahil nga sa bilis ng panahon.

Nagugulat na lang tayo na ha­yan, ang laki na pala ni Ryzza Mae Dizon, ang bata sa Eat Bulaga, naku malalaki na ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Jose & Maria’s Bonggang Villa. Wow iba na pala ang hitsura nina Charice (Pempengco) at Aiza (Seguerra).

Marami pa, dahil nga nagdaan na ang panahon, naiba na rin ang maraming bagay.

Time is the essence talaga, kaya bigyang importansiya ang oras.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with